Wednesday, June 22, 2011

I Got unusual love

I'm not feeling well today.
  Buhay pa yan natutulog lang
Ito ang ginawa nila sa akin pagdating ko ng office. 
Sabi ko sa inyo dumilat ang mata at ginalw ang paa. Buhay pa siya mukha lang walang malay.

Unnecessary stress.

Last night pagkatapos kong patayin si laffy at ang lampshade dahil tamang antok na gumapang ako ng swabe sa aking higaan para matulog sabay talukbong ng aking kumot bigla kong naalala mag set ng alarm. Hinagilap ko aking mobile pero hindi ko ito makita. Naiwan pala ang flaslight-alarm -mobile ko sa trabaho. Nawala ang antok ko na stress ako bigla ng grabe sa pag-alalang di magising ng tamang oras.Isang halimbawa ng unnecessary stress.Bad trip.

The torment of the lost mobile

Bangungot.Sinasabi ko na nga ba umabot hangang umaga non- stop ang dalaw ni panaginip paulit ulit nag papaalala sa aking magising sa tamang oras.
Nagising nga ako ng eksaktong oras.masakit naman ang talukap ng mata ko kinaumagahan.
Oo ,dahil lang sa alarm I'm not feeling well today at sira ang aking panunaw.May LBM ako.

Unusual love

Pagdating ko ng opisina pagkaupo ko nagulat ako sa mga alaga kung kuting for the first time naglapitan sila sa akin una nilaro ang paa ko kagat dito tumbling doon. Umakyat sa binti ko hangang balikat at diniladilaan nila ang likod ng teynga ko habang pinaparinig sa akin ang malakas nilang hinga.

Nararamdaman nila na masama ang pakiramdam ko.Nakakatuwa diba?
Parang kaylang lang TNT (tago ng tago) sila ng una kong makita ko sila sa camp dinala dito sa aking teritoryo para bigyan ng tahanan.

Totoo kaya na ang alagang hayop matalas ang pakiramdam sa mga nararamdaman ng nagaalaga sa kanila.At totoo kaya na hinihigop nilo ang negative na energy tulad ng sakit sa katawan ng amo nila.Yan ang sabi sa akin ni Papa noon maliit pa ako. ibulong ko daw sa kanila ang kahit anong nararamdam kong sakit at mawawala ito.

Nag tataka lang ako sa ginawa nila sa akin ngayon.
at naramdaman ko ang kakaibang ginhawa sa ginawa nila.

kahapon pa ito pero ngayon ko lang na e post kasi not feeling well nga. Ang dami kong napalampas na post kahapon

Photobucket

16 comments:

Lhuloy said...

ermmm...well sana di na maulit para di mu na kailangang gmcng maya-mya para mgtime check...jejeje...hangdaming pusa!!! Namimis ko toloy si powt-powt...ermmm...

hope ur feeling beter na kua Dyamante...(n_n)

Anonymous said...

Pampawala talaga ng stress ang mga alaga nating hayop. Kaya nga dapat silang mahalin. Pagaling ka!!

Roy said...

ang sarap kainin este himasin ang pusa.

hehehe muztah?

Axl Powerhouse Network said...

whahah ang cute naman ng mga pusa.. (di ko na binasa yung alam sorry :D )

Unknown said...

napappraning din ako kapag naiiwan ko ang phone ko sa office.

sweet ng mga kuting mo. masarap nga ang pakiramdam ng ganun, na may nakakaintindi sa nararamdaman mo. That's the least they can do para mapasaya nila ang taga pagligtas nila. :)

Akoni said...

Astig naman...ganun ba un? matry nga minsan sa mga alagang kalabaw ni tatay...haha

anyway, don sa alarm clock. tatlo ang alarm clock ko tigpa-five minutes ang pagitan..para sure na magigising ako at hindi malate..kapag wala un, di rin ako makatulog ng maaayos, nag aalala ako na hindi magising ng maaga.

daemonite said...

get well kuya.. make it soon... rather than later...

Anonymous said...

get well soon diamond R..

Bino said...

gusto ko ung about sa mga kuting. nararamdaman nila pag masama ang nararamdaman ng kanilang amo. katulad din ng dog at ibang hayop

Anonymous said...

Haha.. ang cute naman ng kittens.. :) Hindi ako masyadong mahilig sa mga pusa, pero I appreciate them. They're very malambing.. and cute!

So TRUE. Animals can sense your energy..

Have u watched Dog Whisperer, Kuya? It's a show about training people and rehabilitating dogs.. para maging mas happy ang environment at healthy ang relationship ng dog and owner. Sinasabi lagi ni Cesar Millan, "Dogs can sense your energy. If you're in a weak state or in a dominant state. You can never lie to the animals, especially to dogs."..

Nag share lang po, KUya. hehehe... Get well. Ako rin, medyo masama ang pakiramdam.. :)

Ka-Swak said...

hayzzzz!

malayo ka man sa family mo at least may hayop na nagpapakita ng pagmamahal.

try mo ung sinabi ko sayong multivitamins, it works talaga.

tanggal stress mo!

eMPi said...

ang cute ng mga pusa...


teka, dumatcom ka na pala... wow! Hehehe! ngayon ko lang napansin. hehe :D

Anonymous said...

haha, nakakatuwa ang mga kuting, madami din kuting sa kabilang bahay namin kalaro ng mga aso ko at malambing sila lalo na kung alam nila na mabait ang amo nila.. and yes, kung gaano kasensitive ang senses ng hayop, ganun din sila pagdating sa nararamdaman ng tao, alam nila kung kailangan ka nilang lambingin pampawala ng stress.. Kahit sakit pwede nilang mahigop at sila ang sumalo, kaya dapat mahalin ang mga hayop.ehehe

EngrMoks said...

ang kulet ng mga kuting mo pare..si achmed din, yung kuting ko sa bahay, maharot din, kung saan saan umaakyat. bestfriend naman sila ni sasa.

Ishmael F. Ahab said...

Grabe ah. Masyado mong inalala yung celphone mu. Ang maganda siguro nyan bili ka ng alrm clock para siguradong hindi mo maiiwanan sa workplace.

Buti at kasama mo ang mga kittens mo. :-)

Effective talaga ang mga pets na pampaalis ng stress.

Jaderated said...

hope you're feeling better. Ironic na minsan we get the love and care we need from those that are least expected. :(

top commentators

Get this widget

Yiruma