"nabubulok na ang mga isda mo at manok sa freezer ang babaho" ito ang bungad ng assistant ko na gusot na gusot ang mukha sa akin di pa ako nakaka upo sa aking lamesa.(sa kwarto niya kasi nakapwesto ang freezer)
"Patay wala pa naman akong dalang ulam" sa isip ko lang.
"Hayaan mo na" ang wala kong kaganag-ganang sagot sa kanya.
Nakalimutan ko Naka off nga pala ang generator pag walang pasok(simula pa Huwebes ng gabi hangang Sabado ng umaga)What to expect nga naman. Ako na ang nagtanga-tangahan.To be honest di man lang ito pumalo sa isip buong friday.Sabagay ngayon lang naman ako gumamit ng freezer kaya be nice to yourself.
Di ko alam kong ang dahilan ay ang mga nabulok na isda at manok sa freezer.May kakaiba akong pakiramdam na pilit kong nilalabanan ngayon umaga habang nasa harap akong nga aking PC.Parang biglang nawalan ako ng gana sa mga ginagawa ko kasalukuyan kasama na diyan ang blogging.
Ang hirap ng pakiramdam na ito.Alam kong nararamdaman niyo rin ito.
magiisip nga kayo ng pweding gawin. Kahapon ko pa iniisip ang gardening(seriously kasi na mimiss ko na ito)yong nga lang summer dito baka mahirap.
Pag dinaraanan ka ng ganitong pakiramdam ano ba ang ginagawa niyo?
Times like this. Have a break yon lang ang alam ko
Change for Good.
15 comments:
nararanasan ko na rin yang wierd feeling na yan kahit masipag ako magpost... May time talaga na parang ayaw mo na pero darating din naman ying araw na back to normal.
Off Topic:
Nga pala pare paactivate naman ng mobile blogging. Dashboard>settings>email&mobile>mobile template, click Yes!
have a break have a kitkat.. hehe!
normal lang yan sa tao, pag ganyan relax lang.
Baka quarter-life crisis? Basta always remember to smile, tol.
At salamat sa blog mo at nadiscover ko si Yiruma. ang hanep ng music niya.
tomoh... mag kitkat ka muna kua..
likewise... try something new.. something you have never done before.. something strange.. for a change!
ilang beses ko nafeel yan mr. nasib hehe!
ginagawa ko nagbbrowse lang ako sa net to learn new things. kunyari nireresearch ko ung top 10 na serial killer, murderer, rapist sa mundo o kaya naman mga weird na tao.
un lang hehe
papak ka ng sugar kuya. mabubuhay dugo mo! hehehe
Parehas tayo ng nararamdaman ngayon...tinatamad ak sa lahat ng bagay lalo na sa cyber world...kita mo naman this month wala pang 20 blogs ang naisulat ko...gusto ko muna magpahinga...magbakasyon! unwind ika nga.
alam di tayo nagkakalayo ng mood..wala din akong masyadong ganang magblog now adays nitatamad akong magisip lately..pero i keep myself busy sa panonood ng korean movies ngayon tas basa ng books..naaaliw ako sa korean movies kasi parang nagbabasa pa din ako dahil sa subtitle...
have a break have a kitkat!
pag ako kasi tinatamad, di ko talaga ginagawa ung bagay na kinatatamaran ko. eventually bumabalik naman ung sipag at passion ko sa isang bagay
anga weird feelings ko ung tipong natatae ako pero kapag tumae na ako, wala naman akong maitae. ahahaha
saka ung tipong nasusuka ako kapag kinakabahan...
ganun din ako.. natanasan ko rin ang pakiramdam na hindi mo alam kung ano at bakit... teka.. bakit pinapatay ang generator? pano na ang A.C.. init siguro?
hala parehas tayo ng feeling hahah... ganyan na ganyan ako ngayon.. hahha
nice thoughts sir, normal lang yang ganyan. try mo na lang online games sir para maiba naman :D
naintindihan ko ang nararamdaman mo dahil yan din ang nararamdaman ko noong weekend. ang hirap. lilipas din yan! :)
Minsan nga nakakawalang gana, ang iniisip ko na lang eh mag-iiba rin ang mood ko soon.
Post a Comment