Sunday, June 5, 2011
Midday break - Init ng tag-araw
Umpisang June 15, parang awa mo na wag kang lalabas ng site between 12:30 to 3 pam dahil pag nahuli ka kawawa naman ang companya mo.
Ito ang pakiusap ng mga bosing sa mga MEMO nakapaskil sa mga campo.Paulit ulit na pinapaalala.
Matulog ka sa loob ng kwarto na malamig, magpahinga ng tatlong oras or magkwentuhan na lang kayo kung walang magawa.Kunting tiis lang sa mga nangangati ang paa tulad ko tatlong buwan lang yan.
Sa tingin niyo pag ang temperatura ay pumapalo na ng 43 to 45 degree centigrade sa labas may magmamatigas pang mga laborer na lumabas?
Akala niyo lang wala. Dahil talagang meron kaya dalang - dalang na ang mga companya sa pagpapaalala.
Una, ayaw ng may ari mafront page sa diyaryo at mapagusapan sa TV.Pangalawa, maibaba ang categorya ng companya sa C. dahil ibig sabihin niyan patay ang negosyo niya.
Dito sa UAE Matindi magpatupad ng batas lalo na pag tungkol sa mga mangagawa takot silang di sumunod.
Sa pag kakaalam ko out of six GCC states only Kuwait,Qatar,Bahrain at UAE ang meron nito sa kasalukuyan yong iba kung ano man ang dahilan nila bakit gusto nilang masunog ng buhay ang mga mangagawa nila di ko alam.
Masaya ako at ipinagmamalaki ko ang pamunuan ng mga bansa sa gitnang silangan na may puso para sa mga kapatid nating mangagawa na nasa initan.Alam nila kung gaano kainit ang 43 to 45 degree centigrade.Dito sa UAE Anim na taon na itong pinapatupad kaya pinagpapala sila.
Kahit mainit dito ngayon lumalamig dahil sa pusong meron ang mga namamahala.
Penalties for violations(UAE)
First time offenders will have their firms downgraded to category C for at least three months, and will be fined Dh10,000. Category C firms will not have any work permits issued for at least six months.
The second time offender firms will be downgraded to category C and will have no work permits processed for nine months and will be fined Dh15,000.
Third time offenders will pay fine of Dh20,000 and will be downgraded to category C and will not be issued labour permits for at least one year.
Employers must post notice of daily work timings, "at a noticeable place at the work site so the ministry inspectors can see it clearly during their inspection visits".
Now you know kung bakit.
Labels:
Abudhabi,
midday break,
Personal Experience,
uae labor law,
Work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
18 comments:
na-touched naman ako sa pamamahala nila dyan. Dito din ata ginagawang lahat daw morning shift ang mga nasa field ang trabaho, i am not sure about it...hehe..lalo na kapag pumapalo na ng 60 degrees..
buti dyan napapangalagaan ang mga mangagawa dito sa atin, kahit tirik ang araw, labor padin, aun, tutongs ang kulays ng pinoys workers
oh my god 43C to 45C ang init!! di ko yata kaya yan.. hehe!
ang mahal namang multa yan, mamumulubi kayo niyan.. hahaha! jok
There is law in Saudi Arabia with regards to that policy but sad to say, most of the companies are not following nor reminding their employees.
I have noticed that if the temperature rises more than 50 degC, barometer post are not functioning.
a big round of applause for a nice management..
Baka mag UAE ako next time.. pag nartapos ko na ang contrata ko dito.. eheheheh.. maganda daw sa Dubai... ehehhehe.. welcome back hidol...
awww ang init naman nyan.
maganda nga yan mahirap naman malechon ang mga mang-gagawa sa tindi ng init.
Dang init naman. Mabuti ganyan dyan at may batas dito, wala! Mamatay ka sa init matapos lang ang project. Engineer ka man o laborer.
wow... buti naman at magaling silang humawak ng workes nila...
mabuti naman at may mga company na sumusunod pa rin sa batas. at alam naman nila na tao ring kagaya nila ang workers. sana dumami pa sila.
how nice naman kuya. sana sa pinas din ganyan, wag lang yung tindi ng init..hehe..
grabe umiinit na dito sa middle east.. pati tubig kahit hindi na nakaheater e parang kumukulo.
grabe pala jan mapapamura ka talaga sa init. ok pala jan hindi sinasamantala yung mga pinoy workers.
Wow! Sobrang init naman dyan!! Dito, naka 31 palang, nagrereklamo na ako, dyan pala umaabot ng 45.. whew! Mainit kapag umaga.. malamig sa gabi. Tama ba.. or baka pati gabi, mainit din?
Rules are rules. Sa lahat naman, talagng merong mga rules na dapt sundin.. Okay naman at merong batas na pinapatupad tlga. Hooray for good management. Merong mga batas, pero at least merong mga puso ang namamahala at nagpapatupad dito..for the betterment of all. :)
Maganda ah.. Tsaka yung view din, sarap mg lakad lakad, kahit na mainit.. Anyway, salute sa gawain nila dyan sa inyo..
Kung may galit ka pala sa kumpanya mo eh magliwaliw ka lang ng ganung oras ahaha
nasa 50 kahapon ang init ah!!! oo nga buti nalang meron law na ganyan dito kung hindi tustado ang betlog!hahah
nasa 50 kahapon ang init ah!!! oo nga buti nalang meron law na ganyan dito kung hindi tustado ang betlog!hahah
Grabe naman ang init d'yan. Dito nga sa Pinas eh pumalo lang ng 30 to 35 degrees eh ayaw ko nang lumabas. Tama lang yang ginawa ng UAE. Para yan sa kapakanan ng mga empleyado.
Post a Comment