Saturday, May 28, 2011

Trip lang: ako na lang at ako

Nahalata ko puro tulog ang ginawa ko maghapon.Kayat naisipan kong lumuwas ng Abudhabi.
Dumaan muna ako sa Mzayad Mall  para pakiusapan si mamang security guard na kodakan ako.

Galing kumuha. Parang ginulat lang ako. Sandali lang Manong titingin ako at ngingiti ok?

Siya pa itong nag sorry, Ang kapal ko. Kung ok na daw ito.



 Ito talaga ang sadya ko. Para bumili nito. Fruit extractor.

  Nainganyo  na si mamang gwardiya Isa pa raw. Naks.


Abu dhabi at night walang kwenta .Nakakaumay na.Puro ako, ako na lang at ako.


Gawa -gawa ko lang yan pentel pen.


Alas dose na ako nakauwi. Sa taxi naalala kong bigla ang bisita naming mga pusa sa campo.Kung kayat pinakiusapan ko si mamang driver kong pweding dumaan ng gasoline station para makabili ng food ng mga kuting kahit sana sardines pero wala.
No choice  ako. Kapit sa patalim.  Nangalkal ako ng  food sa basurahan ng mga bengali at Pakistani nag hanap ng mga tira -titra  ng manok  sa awa ng diyos meron naman akong nakita malaman pang kalahating petso ng manok at ulo ng isda.

Ayos na ito. di naman nila alam.

Naghihintay na nga mga pobring bisita.

Photobucket

19 comments:

~ JaY RuLEZ ~ said...

natawa ako kay m,anong na humirit pa ng isa..hehehe,akala modelo ka na siguro...ganda naman jan..

magandang umaga DR...

Meeya Cruz said...

Yun ang nakaagaw ng atensyon eh, ang T-shirt! :D

Ka-Swak said...

wow! magda diet si diamond r ah... maganda yan. may tip ako sayo, mix mo juices ng carrots at orange tsaka cucumber. linis tiyan mo nyan.

ka bute said...

pwede kang endorser ng fruit extractor. ^_^

musingan said...

ahahaha.. nagkalkal narin ako ng basurahan dito.. alam mo bang dito lang akos aSaudi ngbungkal niyan.. eheheheh... grabe.. pero astig talaga dito.. mga TV ang tinatapon.. mga sala set.. cabinet.. ref... kung ano ano pa.. astig nga eh...kamusta na kuting niyo.. may kuting din kami.. si Nefeteri.... kinuha namin sa Dammam...

PluripotentNurse said...

Ikaw na nga! lol.

Ayos ang t shirt hindi halata gawa gawa lang hehe.

Ang bait mo namang amo hihi, nag effort ka pa talaga ah :)

iya_khin said...

hahha! talagang pa pic ka sa mamang guard ha! tshirt galing!

kelan ka kasi dadayo dito? para kasama mo kami!

Akoni said...

Hello Diamond, dalaw lang muna akoni, kahit shutdown muna ang akonilandiya...hehe..

Nice trip at natawa ako don sa pangangalkal mo para sa mga bisita mo...ayos ka talaga...hindi lang makatao, makahayop pa..haha

Francesca said...

Buti ka pa, merong souvenirs sa gala mo sa abu dhabi.ang bait ng guard pala dyan. Dito sa Frane, pagsabihan ka pa ng ow, madame, ano akala mo sa akin!!!

I love cats also, meron kaming dalawang siamese.madaldal nga lang. Imagine hahalungkat ka just for their food...Pero sure ka na sa pusa yun?joke!

LASER said...

aha! kaya pala ganyan ang tshirt mo weh! nagtrip-trip ka na naman shuuuhadaaa!

mayen said...

di mo naman masyadong kinapalan ang muka mo kay mamang guard ah? nakarami ka sa kanya.. haha..

Nung nakita ko si kikilabotz na may t-shirt na nakasulat ang blog nya, naisip ko na gusto ko din nun. Hindi ko pa lang nagagawang magpa-print, pero nung nakita ko yung sayo, pede naman pala ang pentelpen lang.. haha.. very resourceful ha?

napaswerteng mga kuting at talagang kinarir ng hari nilang mapakain sila. bait mo talaga. :) ikaw na.. ikaw na ang pinaka mabait dito.. next ako.. tapos si sey.. hehe..

Vin said...

ok pala jan bro may pagkain sa basura saka ang bait ni manong gard :))

mommy-razz said...

model ang dating ah.. at nag endors pa.

cool ng t-shirt mo..

thepinaysolobackpacker said...

hahahaha tawa ako ng tawa, intro palng! =)) si manong guard pa tlga ang nag-sorry ah! haha

yung t-shirt ganda! =)

glentot said...

Wow gusto ko rin gumawa ng t-shirt...

emmanuelmateo said...

bongga ang tshirt po..akala ko nagpatatak ka.pentel pen lng pala hehe
good am po

MD said...

hehe..tibay ng photographer..! si manong guard! nice shirt bro.. ayos!

Ishmael Fischer Ahab said...

Si manong guard, na-gwapuhan yata sa iyo kaya todo kuha ng picture. :-P

Uy...para sa pusa ba yang pitso. Baka niluto mo pa yan ah. :-P

bulakbolero.sg said...

Lol. Kaw na ang model. Kaw na.

top commentators

Get this widget

Yiruma