Sunday, May 8, 2011

"Jay" An Angel in disguise

Isang mabilisang Rewind

Isang eksena sa buhay ni Diamond R maraming taon na ang nakakaraan.
Jasmin Hostel Ramon Magsaysa Blvd.Center Island,Sta.mesa. Umagang kay ganda.

Tudo ang birit sa pagkanta ng pagkalakas lakas na Lupang Hinirang (para matawa kayo ng imagine ang kontrobersyal na version ni Martin Nievera)with all power and emotions na pwede niyong maimagine pero wala sa tuno. Ganon nga.

Humataw ng kanta pag matindi pangangailangan at desperado.Magagawa mo rin yan.Makakalimutan mo ang iyong sarili Hala birit walang hiya -hiya.Panandalian tumigil ang paligid ako lang ang pinapanood walang pakialam. Sabay kumaripas ng takbo pagkatapos. Hinahabol ang ilang minuto nalang late na ako sa final exam sa isang walang patawad kong profesor sa isang major na subject.
Pinagbayaran ko na ang lecheng violation na ito wag lang bumagsak sa isang subject

Nag Jay walking ako for the first time. di ko na naitanong kong tama bang pakantahin ako ng Bayang magiliw perlas ng silanganan..... pero carry na rin kasi madali lang kaysa ang magsayaw.

Na share ko lang.

Back to present to present


labas ng liwa center,Hamdan
Hamdan street



Kahapon.Paglabas ko ng Liwa Center sa Abu Dhabi City.Nagulat ako sa 4 filipino mga mukhang mga jologs na nagkakatuwaan sa labas. Curious ako bakit ang saya saya nila tawanan sila ng tawanan parang may pinagmamasdan wala naman akong makitang di pangkaraniwan sa paligid.Pag daan ko sa harap nila tiningnan lang ako na parang nakakita lang ng isang ordinaryong tao.(men kung alam niyo lang sikat kaya akong blogger). Joke lang pero naramdaman ko yan ng slight di ako sanay na walang chaos na nagaganap pag labas ko parang Manny Pacquiao lang ang dating.Sos drama lang.

Nagpatuloy ako doon sa malapit sa kalsada ang linis walang mga tumatawid.Walang tao maliban sa isang local na naka civilian ng polong puti nakatayo di kalayuan sa akin. Nakikiramdam lang ako iniisip ko ang pharmacy na nasa kabilang kalsada.May batang tumawid tumatakbong papalapit sa amin.Biglang hinuli ng naka civilian lalaki sa tabi nagulat ako sabay labas ng ID niya CID yata or Police basta sabi niya sa bata "may ID ka".Habang ang bata ay nagkakamot binalingan ako ni officer ng mahinahon sabay sabing wag kang tatawid bawal dito.

Patay malisya akong dali daling naglakad papalayo.Muntikan na.Sabay hi at ngiti sa sa mga pinoy na nakanganga gulat anong nangyari? "This is a big Fail di si siya nahuli, Di ito dapat there is something wrong here. Why?"(imahinasyon ko lang ulit)

Yon pala ang pinagkakatuwaan nila.mga walang hiya. ang mga nahuhuling walang kamalay malay na Jaywalker. Ang nasa isip nila ng dumaan ako sa harap nila kanina " humanda ka, you are next man.come on!"


Nalungkot lang ako na may mga kabayan tayong pwedi naman magbitiw ng "hoy! p...namo kabayan may nanghuhuli diyan wag kang tatawid" pero mas masaya silang nakikita nila ang mga kababayan nilang hinuhuli tuwang tuwa sila sa eksenang ito.Parang isda lang na sumabit sa bitag at maipanguulam na.

Wag kayong magtataka meron talagang ganito.Masanay na kayo.

Sinilip ko ang sarili ko sa salamin pinagmasadan ang sarili tsk,tsk di yata mukhang kabayan ang dating ko ngayon. Chinese, Japanese,bangladeshi, or Nepalese. o nasobrahan ka lang sa porma ng kayabangan kaya nagmukhang masarap hulihin sa bitag.
Buti pa si local kahit trabaho niyang manghuli at nagtatago sa kanyang tunay na identiy gumawa ng isang nakakalugod na hakbang,Alhamdulilah.

Sometimes Angels are in disguise kaya di mo rin masasabi.I called him
"Jay"
Si God to the rescue.Thank you .

Si Jay_rulez tulad niya nakahide04.blogspot.com din siya.Bagay nga sa kanya ang Jay.What do you think?

Warning : Tumawid sa tamang pedestrian sa UAE kung ayaw mong magbayad ng 200 dh fine.
Maging maingat para sa iyong kaligtasan ito.Wag matigas ang ulo.Wag tawid ng tawid.
Photobucket

18 comments:

Vhincci Subia said...

Natawa ako dun ah... pero napakamean nman ng mga Pinoy na yun...

World of Vhincci
...

Unknown said...

haha.. talaga napakanta ka dito ng Lupang hinirang sa pinas. grabeh, sorry super natawa ako. Inimagine ko kasi yung laki mo yan kumakanta ng ganun. haha.. nabalitaan ko nga ganun daw ang ginagawa sa mga nag jaywalking pero wala pa akong nakilalang ginawa talaga yun. ikaw pa lang. hehe..

Nakakalungkot nga ang ginawa ng mga kabayan nating ganun. hayz. buti na lang na-save ka ni God by using manong local.

Naaliw din ako sa, kung alam nyo lang sikat akong blogger. I love it! :)

Akoni said...

natawa, nalungkot, natawa, nalungkot...yan ang naramdaman ko habang pinabasa ko....hahaha..nakarelated ako don sa mga kabayan natin na pinapahamak ang kababayan, mayroon din dito sa company namin...kabayan na mismo ang nagdiin sa kabayan niya..tsk...tsk..

Desperate Houseboy said...

Haaayy. Bakit ba merong mga ganyan pa ring tao. :(

Nice read.

Bino said...

nainis ako dun ah. naturingang pinoy, walang malasakit. bad trip

Anonymous said...

at akoy natawa sa pagkanta ng lupang hinirang mo,grabe naman parusa yun hahaha...

anyways...


tsk tsk tsk...ang bad naman ng mga kabayan na yun..hmmp.pinagkakatuwaan pa,gusto talaga may mahuli...bad talaga..

at kasama talaga ako?aheheeh
tama ka jan,lage ako nakatago eh...ahahaha
angel in disguise :)

Rap said...

jasmin Hotel/Jasmin bldg?...

PUP HRM blgd yan dba?... tama ba ako?.. di pa ako nakakapunta ever... ang layo kasi sa main bldg eh... saka may mumu daw dun.. lol...

emmanuelmateo said...

i also laughed!hehe
sana ganito rin sa Filipines..may bayad sa mga matigas ang ulo,
good am po

Diamond R said...

@Vhincce Subia - Yap nakalimutan nilang mas masaya kong may naililigtas silang tao sa mga ganitong eksena.

Diamond R said...

@Mayen- tinanong ko nga si roomate kong tamang parusa ba ang pakantahin ang isang nag jaywalking sabi niya oo daw.
ang alam ko community service

Nakakatawa lang kasi talagang bigay na bigay ako sa pagkanta Pang inis or talagang kailangan lang tapusin na ito.

Diamond R said...

@akoni- Alam mo akoni, parang ayaw ko sanang e share ito pera naiisip ko lang kung bakit naman sila nagkaganon. Baka di nga ako mukhang kabayan or galit sila sa mga nagtatawid sa maling daan. Patawarin.
nakakatawa lang kasi kung sino pa ang dapat manghuli siya ang umiwas sa akin sa gulong ito. Napansin niya siguro ang mga kabayan at gustong turuan ng lekson.Sana may natutunan sila.wag ng hintayin i a hard way.

Diamond R said...

@Desperate houseboy - siguro para may aral na matutunan. Na shocked sila alam ko at pinakita sa kanila ng isang local na di tama ang ginagawa niyo.I'll save your kabayan para may matutunan kayo sa mga sandaling ito.

Diamond R said...

@Bino- OO nga eh nakakalungkot na malaman na wala silang malasakit sa kapwa.If you know something that will save anyone magagawa mo bang umupo sa isang tabi at pagmasdan siyang mahihirapan this is the worst scenario na nakita ko.At malamang nakita din ito ng local kaya ginawa niya ito sa akin.

YOn ang isang bagay kung ang UAE ay matatag mabubuti silang tao at maipagmamalaki mo ang pusong meron sila. from the first president hangang sa kasalukuyan at sa mga Pulis.ang lilinis ng adhikain nila.

Diamond R said...

@Jay_rules- Never heard before kasi wla pa rin akong nababalitaan pinagawa sa kanila ng ginawa ko.
pang estunyante siguro ito.Kasi naka uniform ako ng mahuli at malalate na.

I googled "Jay" kung bakit ito ang ginamit para tawagin ang mga nag ja jaywalking its kind of negative pero iba ang tingin ko salitang yan in this post. "they are ANgels in disguise" and we can be all the time.

Diamond R said...

@Leonrap- Yap, You are right. nandoon kasi ang laboratory namin.yong mumu not sure at ang graduate school.

Anonymous said...

may mga tao talagang walang paki alam.. grabi, pero kahit paano natawa ako..

EngrMoks said...

lintek! nakakapikon yung taong ganyan pare...pero halong tawa, lungkot naramdaman mo sa ilang parts.

Kahihiyan sya sa mga Pinoy abroad.

musingan said...

Mond... hahaha... natawa talaga ako sa picture.. akal ko Ortigas.. kala ko Raffles Building.. yung kulay Gold... eheheheh....

top commentators

Get this widget

Yiruma