Tuesday, May 10, 2011

Pangako

Nagawa mo na ba yong mangako ka sa sarili mo at pinanindigan mo ang pangakong iyon. Tulad ng ginawa ni Akoni sa blog-ibig series niya - Nang si kamila ay magtapat na sinagot niya na si Musingan. Alam ko nabasa mo na ito kasi sikat ang kwentong ito sa blogosphere kung bago ka lang click here.


Yon nga lang ibang pangako ito kasi hindi lovestory kundi trabaho.

Wala sa plano basta naisip ko na lang siyang gawin.

Kagabi bago ako matulog Sa di maipaliwanag ng dahilan Nangako ako sa aking sarili na Ibang Diamond R ang gigising at papasok bukas.Walang kinalaman ang kahapon o ang nakaraan dahil tapos na ang bahaging ito.I will start a new day- Fresh, pure and perfect na bukas. And I will claim it because I deserved it dahil ang bukas ay para sa lahat ng walang sino mang pweding humadlang.

and pangangalagaan ko ito ng walang pagiimbot.

AT yon nga ang nangyari.

Ang saya-saya.

Mamaya ko na lang itutuloy ang mga naganap.
Challenging pero masaya.
ang importante nagawa ko ang pangako kong ito sa aking sarili.






Photobucket

17 comments:

yanah said...

nacurious naman ako. kung anu un naacomplished today..

Bino said...

nice! ibig sabihin marunong kang tumupad sa pangako :)

Akoni said...

alanghiya, nabitin ako sa ginawa mong pangako sa sarili mo...


waiting.....

bulakbolero.sg said...

Nyak... Bay walang detalye. Nambitin? Lol

MOKS™ said...

every day is a different day... tama yang ginagawa mo par, akin kasi ang motto ko this past few days "Same Shit Different Day" kaya kailangan ko naman baguhin, at ibang ako at routine gagawin ko.

Sey said...

Wow! Congrats ang natupad mo ang iyong pangako. Tapos ano nangyari? Mayaman ka na naman.

"A Happy Man deserves a Happy Work" tama ba? gaya-gaya lang sayo! hehe!

Pangako ko din yan sa sarili ko na araw-araw kailangan maging productive ako. Tapos ayun nga nag resulta naging busy ako at hindi makasulat ng kahit anong post.

Sabi nga nila "you're good as your last show" Kaya dapat ibigay natin lagi ang ating best.

KikomaxXx said...

go chong go...

mayen said...

wow magandang pangako yan. ako ilang beses ko ng pinangako pero bumalik pa din sa dating gawi. hayz..

~ JaY RuLEZ ~ said...

wow...ayos yan kua hehehe...

hmmmm,kwento mo yan ha ?hehehe

ISTAMBAY said...

basta gagawin lang natin ang lahat para sa katuparan ng pangako, malaki ang tsansang pagtagumpay tayo.. tulad nga na nangyaring ito sayo ito ngayon sir.. nasa isip natin ang pangako bago tayo pumikit at sa ating pagmulat, ang pangakong ito ang ating nasa isip.

ang kahapon palaging nagbibigay ng karanasan sa atin na magpapatatag sa ating pagharap sa bukas..

magandang araw sayo sir

Chyng said...

kung ipangako na hindi ko na mumurahin patalikod ang boss ko kapag may pinasa syang trabaho sakin --- mahirap tuparin ang pangakong ganyan! hehe

YOW said...

Good to hear that. :) Mukhang may good news nga ah. God bless.

bulakbolero.sg said...
This comment has been removed by the author.
musingan said...

ito ang dapat na kanta para sa iyo pare..

Pangako hindi kita iiwan
Pangakong di ko pababayaan
Pangako hindi ka na mag-iisa
Pangakong magmula ngayo’y tayong dalawa
Ang magkasama


naks.. ehhehe... ano pala ang pinaggagawa mo at bigla kang nakapangarko? ako hindi na ako mangangako kahit kailan.. promise ko yan... ehehehehe

Ka-Swak said...

buti ka pa tinutupad mo pangako mo sa srili mo. ilang beses na akong may gagawin sa sarili ko na ganyan o ganito pero palpak lagi. lagi kasi akong mahilig sa exemption hehehe

Whang said...

hmm puma-part 2? ^^

ka bute said...

Nagawa mo na ba yong mangako ka sa sarili mo at pinanindigan mo ang pangakong iyon.

-oo. haha. last month lang. nagpost ako fesbook ng ganito: ANG FACEBOOK AY SADYANG GINAWA PARA MAGMAYABANG TAYO. SAYANG HINDI AKO GANITO. GOODBYE FACEBOOK!

sympre ang daming nagreact. ung iba gusto kong patulan. haha. pero goodbye facebook na nga ang drama. so hayaan na lang. har har har. @_@

top commentators

Get this widget

Yiruma