Ang tunay na mukha ng isang Diamante,It is simply shining as it is, shining as shiningness.
Pagpupuri sa isang taong karapat dapat lang purihin.
Noong mga nakaraang araw Sa Yahoo today story nailathala ang top preferred names in America Si Jacob pag lalaki or Isabella naman sa pag babae ang sumisikat na pangalan ng mga baby. Opo ,pati yan pinoproblema nila. At wag na Kayong hihirit kong bakit di kasama si Edward diyan. Dahil wala rin kasi akong pakialam.
Eh ano ngayon...? wala lang, ang alam ko wala ng gaganda, babango pa, sa pangalan ni Manny Pacman Pacquiao of the Philippines.
Nagmumura ang ganda niyang lalaki.
Pasinsiya na po. Di pa kasi ako makatulog sa sayang dulot na naibigay na thrill ni Pacman kahapon. Basta feeling ko kamukha ko na si Pacman.Skip meals din hangang ngayon.Makakain na nga after this.
----------------------------------------------------------------------------
For the first time nakinood ako sa bahay ng may bahay kahapon kahit ayaw nila(joke) para lang makapanood ng balita sa TV Dahil my TFC sila kami wala.Sa gitna ng bagyo sa Bicol at baha sa maynila umaapaw ang galak sa puso ng mamayang Filipino di alintana ang sama ng panahon.Papaano mo palalampasin ng mga ganito di bali ng magmukhang kawawa at makanuod lang. Yong tipong nakikisilip ka sa tv ng kapitbahay sa siwang ng bintana sa may squatter area. sabay sasaraduhan. oh no. (di na totoo yong dalawang huling linya drama lang hehehe.)
Kung si President Obama may "longest 40 minutes of my life" sa helicopter raid na naganap in Pakistan.Meron din si mommy Dionisia- at kahapon yon.
Kung ang lahat ay masaya sa bakbakang naganap. Naramdaman ko ang takot na bumabagabag kay mommy Dionisia sa ABS-CBN news kahapon, Nakita ko kasi sa kanya ang di matawarang pagmamahal ng isang Ina sa anak sa tuwing napapasabak ito sa anumang hamon ng buhay. Kung makapagdasal siya talo pa ang ginawang laban ni pacman sa ring. She wrestle with God in prayer-Ito ang tunay na laban ni mommy ang tunay na laban ng buhay na ligid sa kaalaman ng lahat Ramdan ko ang anumang bagabag na meron siya sa kanyang puso dahil walang higit na masasaktan kundi ang Ina pag nasaktan ang kanyang anak.
Happy mothers day Kay mommy Dionisia. Symbolo ka ng isang ina kahapon.
Congratulations Manny Pacquiao Ikaw ang Mukha ng salitang inspirasyon.
Wala daw siyang hiningi na di ibinigay ni Manny, of course 15$Million dollars yan mommy ano pa ba ang di kayang ibigay ni Pacman sayo. Pero alam ko hindi na yan ang gusto mo.Kundi ang di masaktan si Manny.
Did you wrestle with God in prayer? our mother does all the time para sa kanyang anak. Naiintindihan ko yan dahil nakikita ko yan kay mamang. Yan ang nararamdamn ni mommy Dionisia sa bawat labang hinaharap ni Pacman.
Kaya pwede lang idol last na ito para kay mommy na lang. Tutal wala ka ng paglalagyan ng mga panalo mo.
At dahil diyan Ito ang panalong pangalan sa puso ni One Acre of Diamond
1.Dionisia pag babae
2.Manny Pag lalake
Suma total- my conclusion sa labang ito.
May Manny dahil may Dionisia.
May PANALONG PACMAN Pag pinagsama mo ang dalawang ito.
Yan ang wala ang iba.
16 comments:
i agree on the last line....
ika nga nila kung mahal mo ang magulang mo, mas mahal ka nila ng sobra...
Astig....sobrang makahulogan na naman ng post mo...walang tatalo sa pagmamahal ng isang ina. yan ang isa sa malaking sandata ni pacman sa ibabaw ng luna.
Very nice read as usual. Kaya ka lalong sumisikat eh.
Anyway, may isa pang wala ang mga kalaban ni manny, wala silang isang buong bansa na nagdadasal para manalo sya. Sa Pilipinas/Pilipino lang ata humihinto ang oras pag may laban sya. Paano pa tayo hindi pagbibigyan ni God eh ang dami natin.
Yun lang nakisawsaw lang.
Masaya din ako kasi narealize ko ang nanay ko mala Mommy D din. Kung pwede lang ang laban namin laban na lang nya. :)
Good day kaibigan!
@AXL Powerhouse Production Inc.- Ang magulang nga naman ang tunay na kayamanan natin.
@Akoni- Kahapon ko lang napansin si Mommy Dionisia na ganon pala ang ginagawa niya pag may laban si Manny Para syang mahihimatay samantalang ang lahat ay nagkakasayahan. KUng iisipin mo yon Kakaiba talaga ang ina compara sa mga kapatid or ama.
yeah tomo kjan kua Dyamante...
pansin ko dati kung gaano talaga
sya kadedicated sa pagdrasal para
sa anak nya...kung baga malakas
tlaga ang teamwork nila ni Manny...
galeng ahhh!!! dahil jan kaw nah
kaw nah...jejeje
nice parekoy...gusto ko din yung huli mong sinabi... Mother's day na mother's day ang dating tuloy ng post mo dedicated to pacman and pacmom!
Congrats to Filipinos!
hi napadaan ulit ako :)
Nakatawa naman ito post mo.
Belated Happy Mother's Day!:)
congrats kay Manny :)
invited ka day sa birthday ni Mommy D. hehehe, bongga yung gown niya may precious gems pa. Celebrity na nga siya dahil kay Manny pero ang totoo, walang Pacman kung walang Mommy D.
Actually lahat ng laban ni Pacman, isa lang yata ang pinanood ko ng live, tapos yung iba replay lang kasi, nerbyosa ako. Tinutulugan ko tapos nakikibalita lang.
the best thing about Manny and his Mother...they offer everything to God, before and after the fight, God is the real winner for them. That makes Manny so special. siya lang nakita kong boxer na nag-pray inside the ring.
Dati nga hinihimatay pa yang si Aling Dionisia kapag may laban si Manny eh...
pacquaio winning and his mother over-reacting is a common sight. hehe ikaw na humingi ng hermes na bag worth $150,000 (tumataginting na P6,600,000!)
kahapon ko pa ito nabasa.. kaso.. now lang ako nakapag comment... sensya na..
di ko napanood ang interview kay mommy dionisia... pero sigurado ako na nahihirapan na naman siya tulad ng dati.. madalas naman ipakita sa publiko ang sitwasyion niya eh... kapag may laban si Manny Pacquiao... mga moomy talaga.. isang uliran...
kaya pinagpapala si manny dahil mahal na mahal niya nanay niya..
2 na kau ni moks na nabasa ko na ang post ay tungkol kay manny pacquiao hehehe..
sna pbagsakin na rin niya si mayweather kupal lang kasi hehehe
madadagdagan nanaman ang kayamanan ni pacman. sana maging ninong ko siya.
Post a Comment