"Ayus na ako at pati pakiramdam ko hehehe parang ala ng nging sakit mabuti play lng lemon at honey ng bubuyog heheheheh alis rin yong plema ko sa lalamunan"
sent via corporate email ko Sun 5/1/2011 2:08 PM
Si gitna ng mga maiinit na work related emails na kailangang aksiyonan ng inyong abang lingkod ito ang una kong binuksan sa araw na ito.
Kumidlat at dumagundong ang kulog (insert this effect here) sabay ang pagguhit ng mga ngiti sa aking labi.(in slow motion)
Lumuwag ang aking pakiramdam(Yap ako na- ang feeling concern sa ka roomate).Natuwa lang ako kasi alam niya na medyo balisa ako sa mga kaganapan, nag effort siyang mag email tungkol dito Magandang paguugali ang mga ganyan aba... don't ever under estimate such move.
Kagabi pag dating ko sa room kulang na lang magtalon talon siya sa tuwa.Magaling na nga talaga.
Kaya Sabi ko halika may panonourin tayong video.akala niya video ni Kamila ,Al,Iya_khin or Jepoy yan kasi ang mga alam niyang pinapanood namin sa blog ko.
Pag katapos naming mamangha at matuwa sa trick tinanong ko siya kong alam ba ng girlfriend niya na nagkasakit siya at ano ang sinabi nito "oo" sagot niya."Umabsent daw ako at mag pa clinic sabi ko wala nga akong pera at ayaw kong mag absent dahil maraming trabaho"
May nabangit kasi siya sa akin na panaginip niya bago pumasok itong buwan ng Abril. Isang kamagaanak niya daw ang namatay at napugutan ng ulo. Yong ulo daw nakadilat at nakatingin sa kanya.Hindi daw nakalagay sa kabaong nasa ibabaw lang ng mesa.
Alam ko nag alala siya tungkol dito kasi kinausap niya ang girl friend niya na padalhan siya ng scapula at bible.
Inilabas niya ang scapula sa kanyang dibdib at inipit yon sa kanyang labi habang ikinikuwento ulit sa akin ang tungkol sa pugot na ulo sa kanyang panaginip. I sensed na bumabagabag ito sa kanya.
"baka iniisip mo masyado ang panaginip mo kaya kung ano ano ang nangyayari sayo. Kalimutan mo na yan. Magdasal ka nalang." Sabi ko." walang connection sa buhay natin ang mga panaginip. Pag iniisip mong may masamang mangyayari sayo may mga mangyayari ngang di maganda "Dagdag ko pa.
"Di ko naman iniisip yon." Sagot niya di ko alam kong defensive lang.
Madalas ko kasi siyang nakikitang nagbabasa ng bible kahit madilim. Maganda ito kasi ginagawa ko rin ito pero ang mabilisang pagbabago minsan pagtatakahan mo. baka nahihiya lang mag kwento pero may gumugulo sa kanya.
May ugali din siyang napansin ko.Ayaw niya na tinutulungan siya or nililibre ng kahit na ano kahit pagkain.Parang nadala na siya sa mga ginawa ng iba na parang ipinamumukha sa kanya pagkatapos na tinulungan siya or may ginawa sa kanya.
"Ikaw ano ginagawa mo" balik niya sa akin.
nag bloblog.
Ng minsan magluluto siya ng ginisang upo.natuwa ako kasi hihingi ako kasi favorite ko yon. Biglang napansin niyang walang bawang. Kaya ang sabi ko bibili ako." wag na ok na ito kahit walang bawang pwedi ng ang sibuyas lang" Sa isip ko di pweding gumisa ng walang bawang nagpapasarap yon.Kayat bumaba ako at bumili ng bawang sabay binigay ko sa kanya. Pero di pa rin niya ginamit yong bawang.Parang gusto ko ng magalit kasi sayang naman bakit anong problema.Pero hinayaan ko na lang kaya kumain kami ng ginisang upo ng walang bawang.
Di baling maglalakad na lang siya O di kumain pero di yan magsasabi na may kailangan siya.
.
Habang nagtitipa ako dito sa blog ayon siya sa kabilang bed.Nagbabasa ng bible" ano ang binabsa mong book" tanong ko. "Pahayag" sagot niya.
"Ikaw ano ginagawa mo" balik niya sa akin.
nag bloblog.
Kung alam nya lang na siya ang bida sa blog ko Ngayon.
28 comments:
Kinilabutan ako dun sa magic trick pati sa kwento ng pugot na ulo!
naimagine ko galit mo abt sa bawang, ikaw pa naman sensitive sa lasa at pagkaluto ng pagkain hahaha! Happy Monday Mel!
bait talaga ni sir
Una: Abay nakakaloka ang video. Namangha din ako. Ako man ganun ang naging reakston ko sa mga judges.
Pangalawa: I miss you too.. haha.. Si edward ay ok na. Wala syang tantrums kanina and hiniwalay muna sya sa iba para wala syang makapag trigger ng tantrums nya. feeling kasi naman napo-provoke sya kaya sya nag mi-misbehave.
Pangatlo: Diba bago mo pa lang syang ka-roommate? Syempre kinakapa nya pa din ugali mo. Kaya hindi sya nag-open up. Ang gawin mo, ikaw muna ang may-open up sa kanya. Para maramdaman nya na pinagkakatiwalaan mo sya and hopefully maging ganun din sya sayo. Maswerte sya kasi may kaibigan syang kagaya mo na talagang nagki-care sa kanya.
Pang-apat: about naman sa bawang medyo badtrip nga yun. pero siguro ganun lang talaga sya kasi ayaw nyang umasa sa iba. maganda din naman yun. Pero dapat balanse lang
Panglima: kami na lang kasi ang ilibre mo hindi kami hihindi dyan. haha.. yun naman ay joke lang. o sya magpopost pa ako ng blog ko today. busy sa work kya ngayon lang nakakapag blog hop.
@klomster- pag stress ang tao kung ano ano ang napapanaginipan. kaya dapat masay ka lagi at wag papaapekto sa paligid. Prayers help a lot to give you peace.dadalhi mo kasi yan kahit sa pagtulog mo.
@Laser- na imagine mo talaga ang galit ko about bawang. Ang ginisa pag walang bawang wag ka na lang mag gisa kasi iba ang kalalabasan niyan.
No big deal naman sa akin kasi makikikain lang ako. pero ang meron naman at ayaw pa rin ibang usapan na yon may problema na. Iba-iba lang talaga ang ugali ng tao kaya mag pasinsiya.
@jay Rulez- Mabait na ba sayo ito.Nahiya naman ako kasi wala kulang kasi ako sa tender loving care alam ko yon. pero pinagaaralan kong maging ganon kailangan natin ito.
@Mayen-limang point talaga yan. salamat sa comment mo. appreciate ko yan sarap basahin.Tama ka bago pa nga kaya ganon siguro nakikiramdam.
Magaling!!! Gusto ko sila ang manalo naman!
Green Monday
hanep sa magic trick!weeeh!anyway..pareho tayo ng arte sa pagkain kapag may kulang sa food parang ang hirap lunukin noh?hehehe
ang galing ng pag ka magic..bilib ako..
just added you in my links.. thanks! :P
Buti na lang magaling na ang ka-rrom mate mo. Sayang hindi ko mapanood ang video wala kasing youtube dito. Sana mamaya pag-uwi ko may lakas pa akong manood bago matulog. hehehe, gusto ko kasi siya makita.
Dun sa sinabi mong baka may mga taong ipinamukha sa kanya yung ginawa nilang pagtulong, may kakilala akong ganun. Sa sobrang tinanim niya sa puso at isip niya yung mga pinagsasabi sa kanya na parang wala siyang kwentang tao, parang nadudurog yung puso ko. Kung pwede lang maging shield ako para hindi siya masaktan, kaso may mga tao na kapag nasasaktan nagwi-withdraw sa friendship. Hindi na nila nanaisin pang mapalapit sa ibang tao sa takot na masaktan sila.
Sana maging bukas na siya sayo para makahanap siya ng taong makakausap. Hindi niya ba alam na ang room mate niya ay may Acre of Diamonds at isang mayamang tao. nyahahaha!
Sayang naman yung bawang, pero sana huwag kang susuko sa kanya, it takes time to prove to him that he can trust you pero the friendship will be very worth it kapag nakuha mo na nag loob niya. Unawain mo na lang at maging bukas ang puso at isip mo.
Yun lang, BOW!!!
Nakita ko yung Residence Visa. Wow! yeheey! natuwa lang ako. mababaw kaligayahan, hehehe.
scary but impressive ang magic trick! bilib =)
at sng bait at pasensyoso mo namang friend/room mate...
sana pag nagkita tayo di lang bawang ang dala mo, pwede naman pizza or burger king..hahaha
oo just get close to him mag oopen din yan.
nagcomment ako dito pero nawala?... ahhmm... aniwaie.. since ayokong ulitin ung tinype ko, hehehe... kahit ano nlng sasabihin ko... "mabuti nmn ok na si roomate mo"
tama na yun.. hehe..
Grabe yung panaginip ng friend mo. I believe na may koneksyon ang naramdaman niya sa panaginip niya.
I don't know kung nangyari ito sa kanya pero merong mga oras na ang demonyo ay kumikilos para pahirapan tayo. Those are the moments when we choose to follow God seriously. Minsan makakaramdam ka na may nakatingin sa iyo. Minsan you feel despaired.
Naranasan ko yan one time. I feel something weird bago matulog. Parang may kasama ako sa kwarto kahit mag-isa lang ako. What I did is I prayed hanggang sa makatulog ako.
@Kim USA- manalo kaya sila.Baka hindi pero nakakatuwa ang reaction ng mga judges.
@SuperJaid-nakakatuwa simpli lang pero ang galing smooth kasi ang facing.Yong bawang kasi nagpapasarap yon ng luto. iba ang lasa pag wala nito.malaki ang pagakakaiba
@Arvin U. de la Pena-Oo nga nakakatuwa.
@Ardee Sean- Thanks.
@Sey-Sey yon nga kasi naekwento niya sa akin yon. yong iba mga kapatid niya pa yong iba naman kakilala. pero parang naapi masyado siya kaya parang nadala na.Pero mabait siyang bata.Mauunawaan nya rin na wag siyang mawawalan ng tiwala sa iba pero maging maingat lang.kasi meron talaga. ganon.
@sey- oo nga eh residence na kayo di na visit visa.pagagawan ko na kayo ng mga villa dito sa OAD Country.
@kalokang Pinay- di naman.yong trick nakakatuwa.commedy kasi pero magic
@Iya_khin- tAtandaan ko yan.
@LeonRap-Madalas nangyayari din yan sa comment ko nawawala.
@Ishmael Fischer Ahab - oo nga nakakatakot yong mga ganong panaginip kaya ayaw kong nanood ng mga horror movies or mga kwentong may katakotan.
iniisip niya siguro yon kaya nagaalala siya.
Post a Comment