Sunday, May 22, 2011

Picture -greetings

Kagabi Ka chat ko si Laser isang bagong blogger. Tambling ka dito mamaya at follow mo siya. Blog niya ang Soul Sanctuary.

Meron siyang mabigat na problemang dinadala hindi ang doomsday.
Nagtatanong lang kung ano ba daw ba yong picture-greetings sa blog dahil may munting hiling.

Ang sabi ko huhubad ka lang at picturan mo ang sarili mo ng may kalaswaan kagat kagat ang happy birthday to you(joke ,di ko sinabi yan).

Gawa ka lang ng pagbati like picture or sulat kamay na galing sayo tapos send mo sa email niya or post it.Malaking kasayahan na di matawaran na ang maibibigay mo sa taong humiling nito.

PICTURE - GREETINGS ALA ACRE
Sa mga finafollow ko
Ito lang ang paraan ko para ipaalam sa inyo na naging bahagi kayo ng aking buhay. Kayo ang tunay na mga Diamante sa Acre of Diamond.You like it or not.

Tumambling kayo dito at batiin sila

HAPPY BIRTHDAY BLOGGERS.
Photobucket

13 comments:

LASER said...

Mel! shu hada na-conscious tuloy ang laser biglang naging flashlight bwahahah! thankssss

mayen said...

"Ito lang ang paraan ko para ipaalam sa inyo na naging bahagi kayo ng aking buhay. Kayo ang tunay na mga Diamante sa Acre of Diamond.You like it or not."

This is so sweet. Napaka gandang message at napakagandang simula para sa araw ko. Thank you nagustuhan ko ang pagkagawa ng picture greetings ko. I know you put so much effort in to it. Kaya I really appreciate it. thanks so much rommel.. You are truly a Diamond/ :)

iya_khin said...

wow daming may birthday!!!!

mommy-razz said...

"Ito lang ang paraan ko para ipaalam sa inyo na naging bahagi kayo ng aking buhay. Kayo ang tunay na mga Diamante sa Acre of Diamond.You like it or not."

napaka sweet naman niyan.. happy b-day sa kanilang lahat.. many more b-days to come.

happy b-day glentot..:)
happy b-day mayen..:)
happy b-day moks..:)
happy b-day goyo

YOW said...

May picture greeting kahit di humihingi? Haha. Nangalap na ako ng picgreet nung last bday ko at tama na yun. Di ko na uulitin. Hahaha

empi said...

kung sino man ang nagbirthday o magbibirthday... magpaburger naman. lol!

Ka-Swak said...

haven't tried to do this but I will someday...

MOKS™ said...

pare salamat..akala ko yung isang picture greeting yung binigay mo sa post mo dati...heheh salamat salamat!

KikomaxXx said...

sinabay lahat :) happy birthday sa kanila :)

Sey said...

Alam ko kung ano ang nararamdaman nila. Malamang gusto nilang tumambling mula sa lugar na kinaroroonan nila. Hanggang ngayon nga thankful parin ako para dun sa picture greetings na ginawa mo. Aba yun kaya una kong nasilayan na maganda para sa birthday ko.

Happy Birthday sa kanilang lahat. Daming may birthday ng May.

Tama si Mayen ang masayang part dun eh alam namin na pinaghirapan mong gawin yung mga pictures na yan, kaya iingatan namin yan ng bonggang bongga.

musingan said...

happy birtday sa kanila.. kung di mo pa ito pinost eh hindi ko malalaman na birtday pala nila... ehehehe

Akoni said...

the best n greetings na nakita ko...unique, pinag isipan..astig, uragon at tunay na lalake..haha

top commentators

Get this widget

Yiruma