Share ko lang din nangyari sa akin kahapon.
IL Forno Restaurant .The True Italian Taste.ABudhabi Mall.
Paborito kung kainan ang restaurant na ito pag pasta ang gusto kong banatan dahil talagang panalo ang lasa. Nagliliparan ang mga mushrooms,bell pepper at kung ano pang halo sa pasta habang niluluto ito sa harapan mong counter kasabay ang nakakapaglaway na amoy ng pagkain.Kadalasan ang mga favorite kong kinakain dito ay nadiskubre ko lang at ankikita ditongniluluto.
Pag upo ko sa harap naglaway ako sa order ng katabi kong baked pasta.Bago sa paningin ko Wohh nakakapanglaway ang white creamy sauce. Sabi ko sa pinay na waitress yan ang gusto ko.
Habang niluluto ang order ko, grabe ang anticipation kong paglalaway habang binabanatan ni katabi ang baked pasta TAkam na takam na ako.
Pagkalipas ng mga 15 minutes siguro biglang lapit si kabayan sa akin nagkamali daw siya ng order na pasta iba ang napagawa niya.
"NO! "ang nakadilat kong sagot sa kanya.
Nababaliw na ako sa kakaisip sa nakikita kong food ng katabi ko sasabihin mong babaguhin mo ang order ko.
"Please,kasi nag abuno na ako kanina pangalawa na ito.Masarap din siya kuya at perehong pareho lang ang lasa"
Paano magkakapareho ang magkaiba ? Ang lintek na ito paiikutin pa ako sa pagkakamali niya.
Sabay lapit ng isa pa, supervisor siguro at dalawa na silang nakikiusap sa akin paawa at nakangiti pareho.
Para matapos na ang kaguluhang ito.nahipnotismo yata ako. Napapayag ako sa gusto nilang mangyari naawa ako sa deduction nila.Lumipas na ang paglalaway ko pagkain ng katabi ko.
Ano ang mali dito?
Una wag pipilitin ang customer saluhin ang pagkakamaling ginawa mo.May allowance ang restaurant sa mga wrong orders wag itong ipapasa sa customer.Otherwise ang restaurant ang dapat magbigay ng complimentary food para sa customer kung pumayag man ito.Dahil di siya ang nagkamali.
Sa totoo lang nawalan ako ng gana sa pasta ko.Pastelang yawa.Kung hindi ko lang favorite ang resto na ito..
HOTFOOD
Pagpasok ko pa lang sa Restaurant si Indianong waiter na ma mop ng sahig.Ito ang banat niya."Umupo ka doon" utos niya sa akin ,lukot ang mukhang halatang inis kasi pumasok ako para kumain.Alam ko madudumihan ang sahig.Pero wala kang magagawa dahil may pumasok at kakain.
Sa totoo lang di ako sumunod sa sinabi niya bagkus nnilapitan ko siya at sinermonan sa harapan ng boss niya. Sa init ng panahon sa labas at layo ng pinangalingan ko para kumain lang dito.Huwag mo akong babanatan ng ganyan bastos ka.Bisita mo ako.
Ganon pa man ito lang ang iiwanan kong tip.If you have a restaurant na lagi mong binabalikan. Wag na wag kang gagawa ng isang bagay na makakasakit sa waiters o cook kahit anong galit mo wag mong gagawin yan kung plano mong bumalik kasi baka ibuhos ang galit sayo sa pagkain mo patay na.
16 comments:
tama ang tip, wag mag-irate at galit galitan kung babalik at babalik ka sa resto o foodchain at baka matandaan ka at magawan ka ng binaboy na food.
chossy din ako pagdating sa kainan, kaya don ako sa mga turo-turo para daming ma-choose...hehehe
Akoni
tama! wag mag inarte at mag reklamo galore kung babalik at babalik ka rin naman sa resto baka next time pag order mo maliking suprise ang bigay syo:)
sasabihin ko pa rin ang sasabihin ko kc customer is always right.. pero di na ako babalik don hehe!
Ko pag hindi ko nagustuhan yung service ng isang restaurant hindi ko na binabalikan.
isa sa ayaw ko eh ung mga crew na di marunong gumalang sa mga customers. kaya ako pag nagalit dun, di na talaga ako bumabalik
ay nabasa ko yan kay glen.. meron din ako epal moments sa resto hehe...
saka ko na lang kwento...
pilosopo ang karamihan sa mga indianong waiters.
kulang rin sila sa manners. pero kung pinoy naman nagkamali, hayaan mo na, nasa ibang lugar tayo. masakit pag kapwa mo pinoy ang nagsasalita sayo ng di maganda.
hahaha! oo tama wag kang babalik kumain dun pag inaway mo ang cook o sino paman lintik lang ang walang ganti! ahaha
natawa ako sa pastelang yawa hahahah.. bisaya? meron din ako ganyan na experience.. di na ako bumalik sa ka pangit ng service nila.. na tupok ng apoy ang restuarant na yun..
hala ansungit. hehe
i often complain not about a crew na minsan sa dami ng ginagawa eh nalilito na, mas nag-iinit ang ulo kung proseso nila ang inde ayos. tsaka bihira ako sa crew or waiter nagrereklamo, eto ang madalas linya ko "where is the manager?" lol
P.S. lakas ng tawa sa commment ni Akoni
hehe..wala bang picture ng pagkain na gusto mo at ung binigay sau? hehehe
ahahha.. tama ka dyan pare.. huwag kang maginarte kapag gusto mo pa mabuhay.. ahahhaha.. nayway.. nangyari na rin sa amin yan... ako ang umorder at iba ang naibigay... ayun oh... naawa rn ako sa deduction niya tapos one time nabuhusan ako ng isang baso ng orange juice... ayun... hinayaan ko na lang. buti tapos na ang trabaho ko.. kaya pwede ko na ng alisin ang long sleeve ko.. yahooo...
meron one time, nag-aya boss namin dinner sa isang restorant sa malapit sa rockwell.. sabi pa nya, dito tayo masarap pagkain.. ano ka.. tapos na kami kumain wala pa ang kanyang order, kahit ilang bese nagfollow-up, malamanlaman eh di pala alam nung cook na may ganung order..
banat ni boss: walang magbabayad... tayo na.. nakapila kaming lumabas ng resto ahahahhah libre dinner!!! walang nagawa yung mga crew at manager nung resto..
at oo, di na kami bumalik dun, delikado! :D
hahha... watta restaurant! pinaka nakakainis na ung floor manager .
panira ng mood ...hehehe
Haha oo tama, wag na wag mong iinsultuhin sila dahil baka babuyin nila next time ang kakainin mo, hindi ko sinasabi na lahat sila ganun pero mabuti nang maingat. You're not gonna lose anything if you're nice to people. Salamat rin sa pag-link.
Post a Comment