Natatawa ako pero natuwa sa sarili ko dahil sa challenge na ito. Ang hirap kasing bumali at maging kalaban ang sariling mong mga salita dahil iba ito kung umusig. Ganon pa man masaya dahil alam mong nagawa mo at kinaya mo ang isang hamon.
At dahil Kay Nimmy nag level up ang gawaing ito. Bakit di pagkapirahan naman this time.
Bienvenidos 300 Dh Challenge of my life.Bienvenidos Ramadan.
Mag ayuno sa mga gastusin ngayong ramadan bukod sa magpakabanal |
Ngayong buwan ng Agosto di ko palalampasin ng 300 dh ang aking isang buwan personal expenses na sa pagkain lang naman napupunta nabubulok lang sa ref at kung ano ano pang walang katuturan pinagkagastusan.Gamit ang SMART(Specific, Measurable, Attainable, Realistic, Time-Bound)ma naging panuntunan ni Nimmy.Pahiram Nims.Makakaya ko ito para sa hangaring pananalapi.
If you are in UAE at nasa campo ka at libre naman ang lahat. Ang 300 dh ay malaking budget na.Agree mga kabayan sa UAE.maliban na lang kung di buhay laborer ang lifestyle mo.(Kain,tulog,trabaho,ipon)
Papaano ko yan gagawin.
1. Pag pumunta ng grocery.Nakaplano na ang bibilhin.At hangang doon lang.
2. Wag kakain sa restaurant dahil ramadan naman at bawal.
3. Wala ng extra curricular activities.Walang lakwatsa.
Parang walang kahirap hirap.
Pagkatapos ng buwang ito gagawa ako ng comparison sa expense ko sa nakaraang buwan.
Abangan!
Ang matitipid ko ay ibibili ko ng share sa AYala land Inc.,BPI,at Jolibee Food Corp.
Saan ka pa?