Dahil ito ang unang hamon sa 30 days challenge.
Kwento muna ako ng kunti.
Dito sa UAE ang mura lang ng sasakyan kumpara sa ibang lugar. Ang mga second hand cars.Isang sahod makakakuha ka na at di laspag yon. Parang bumili ka lang ng laptop at ang maganda walang masyadong rekutikos na requirement na kailangan mong gawin para magkaroon nito. Kung magpalit kasi ang mga locals or expatriates ng sasakyan dito parang mga damit lang.Tulad ng loan at credit card sila ang lumalapit at naliligaw sa mga expats na kumuha nito.
Ang probleam sa kung gaano kadaling makakuha ng sasakyan dito ganon din kadali ang iwanan ito kahit saan-saan lang na parang tae lang na iniiwanan sa daan.
Kaya malaking sakit sa ulo ng Municipality of Dubai at Abu Dhabi ang abandoned cars ( 80 % ng populasyon ng Uae ay expatriates imagine kong gaano kadami ang mga sasakyan iiwanan.Yes, kahit ordinaryong mangagawa lang lang meron sasakyan dito.kung di ka lang tamad kumuha ng driving license) bakit ka magpapakahirap mag taxi at mag commute na tulad ko.
In 2009, isang halimbawa ng iniwanang sasakyan sa isang parking lot it's keys on the ignition and loan documents sa passengers seat ng isang expats. Ang Galing!
Umpisahan na sa challenge.
Ito na ang aking Dream Car buhayin natin.
Ang malaking tao nababagay lang sa malaking sasakyan. Kaya pwedi na ang Jeep SRT8 sa akin. Ang pangit kasi tingnan ng malaking driver tapos maliit ang sasakyan.
The most powerful, technologically advanced, high-performance Jeep® vehicle ever – the all-new 2012 Jeep Grand Cherokee SRT8® –. Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit? Pagmasdan niyo na lang.Dream lang naman. Bakit ba?
Ito talaga ang kulay na gusto ko. Top of the line ang black kaya yan ang type ko. Astig.
Ang tikas!Pweding -pwede.
19 comments:
Grabe hanep nung mga kotse- at wait! Lalo ka yatang gumwapo.. hehehehehe
grabi ang ganda ng red car!! yong blue jan and dream car ko din.
Lupets... galing... Uu.. dito rin sa Saudi.. iniiwan din ang sasakyan.. at sa Brunei.. walang magnanakaw... sa Malysia.. mukhang may mga nakapasok na na magnanakw.. from other country kasi yung mga yun eh... eheheheh... yahooo... galing ng 30 days challenge eh...
pasakay ako mel joyride lang along corniche ha! Good luck sa dreamcar kayang kaya yan!
huwaw...hangganda! bagay na bagay nga sa isang malaking mama tulad mo.
Your dream car exudes elegance and power ah! :) In fairness, ang ganda nga!!! Kamukha ng SUV na 'to ang 2011 Mazda Tribute.
Pero lamang ang Cherokee, mags pa lang. Hanep!
Kapag nabili mo na yan, pasakay ah!!! :)
bilan mo nga ko ng 3 cars dyan hhahahah
ganda ng dream car. ako gusto ko din malalaking cars kahit maliit lang ako (sa height hehe..)di kasi kasya ang tropa ko sa maliit na sasakyan eh. hehe..
anyway, nais ko lang purihin ang probinsya nyo. sobrang nagandahan ako. di ko akalain na ma-amaze ako sa kanya ksai diba hindi naman sya ganun kasikat na puntahan dito gaya ng palawan, bora and buhol. pero ang ganda sa inyo.. hehe.. uwi ka na!
@tim - feeling lang kasi pag hindi na feeling iiwanan tayo ng kagandahang bagay ng diyos.
salamat tim for visiting.
@mommy-razz- oo mommy reserved ko sa inyo ang blue kasi favorite color niyo yon sa akin na ang black or red.
@Musingan- oo nga dito basta na lang iniiwanan kung saan saan ang sasakyan wala din kasing magkakainteres dahil takot sa batas.
kaya pag dating ng araw di na nila alam kong saan itatapon ang mga sasakyang ayaw na nila. diba al yong mga gamit nga sa bahay tinatapon lang dito grabe no?
@laser- Yes of course. kung gusto mo talaga di imposible. ang problema kong di mo gusto. wohhh.
@akoni- hataw na. thanks ako ini.
@leo- thanks for dropping by. oo nga ang ganda niya siga sa daan.
@Bino- yon ang problema para lang ito dito di pweding ilabas.,kaya iniiwanan na lang kung saan saan.
@mayen. oo naman ganda talaga ng bicol. tahimik at malinis. lalo na sa amin. probinsiyang probinsiya pa
The red car is just for my dreams. i work 20 year to buy this one but i think i wont win enough to get :)
magkakaruon din ako nyan, lalo ung red! :D
Ang ganda naman ng car, Kuya.. Hmm, ako, I want something cute.. small. I don't like big cars and jeeps. I want a Volkswagen Beetle or a red Mini Cooper.. So kung sino mang gustong bigyan ako ng red Mini, wow, thank you.. a dream come true!!
Post a Comment