Naiiyak ako sa Day 17 alamin kung bakit?
TARANNN! Ang candy na may kurot sa aking puso.
They look friends but they are not
.
I'm the yellow M&M with little nut inside.
Meron ako niyan sa bahay ibaba mo lang ang kamay niya lalabas na ang nips.
Special ang day 17 para sa akin. Dahil sa candy ito naging sweet ako.
May Kwento ito na di ko makakalimutan ng basta basta lang. Year 2000 noon sa Mandaluyong unang trabaho ko. Pagkatapos gumapang at makapagtapos.(saka ko na lang ikwekwento bakit ako gumapang para makapagtapos promise)
Maaga akong umuwi dahil meron kaming Christmas Banquet sa aming simbahan(opo mabait ako noon pa, saka ko na rin lang ikwekwento ang bahaging ito ng aking buhay promise ulit at kung sino ang date ko noon).
Maliwanag pa ng sumakay ako ng Jeep sa corner ng libertad malapit sa crossing Edsa.Libertad-Kalentong na biyahe. Sa dulo malapit sa pinto ako umupo masaya at nakangiti habang pumapapak ng M&M Now you know my favortie candy.
Pagdating sa libertad (yong malapit ng lumabas sa shaw blvd) nagbabaan ang ibang pasahero samantalang ako tumagilid ng patalikod sa upuan at humarap at yumoko para sumilip sa bintana. Imagine yong face kung nakasentro sa bintana ng swak na swak.
Nag sa sight seeing( Mini Squatter area yata yon ang daming batang nagtatakbuhan)
Nag sa sight seeing( Mini Squatter area yata yon ang daming batang nagtatakbuhan)
Tapos biglang.
PSYSKKKK!!!!!! Blag! ( Isipin ang tunog ng isang suntok na bumagsak sa iyong face sapul na sapol.
May galit na suntok sa aking mukha na muntikan ng magpatihaya sa akin sa loob ng jeep. Nagimbal ang lahat. Nakatitig sa akin nag hihintay ng paliwanag sa kung ano ang mga naganap May nagbibilang (joke)Ano ito boksing knock down kaagad.
"Kilala mo ba yon?" tanong ni manang isang pasahero.
Umiling lang ako di ako makapag salita. Habang hawak- hawak ko ang aking mukha kinakapa kung buo pa ang lahat.Wala akong maramdanan ng mga sandaling iyon ume echo pa ang naiwang tunog aking pandinig.
Ang lalaking sumuntok sa akin ay walang iba kundi ang lalaki ring nakaupo sa dulo ng kabilang upuan na kaharap ko. Yon lang ang huling naaalala ko bago bumagsak ang ang suntok ang pula niyang damit.Ano ang tingin niya sa akin ang dilaw na M&M
Pagmasdan si yellow kung bakit di siya bati ni Red at bakit nagkaroon ng maitim na balak sa kanyang puso.
Ang mukha kong ito makinis, maamo at walang kamuwang- muwang dahil lang sa nips nasuntok sa jeep. Yon lang naman ang ginagawa ko maliban sa ang pogi pogi ko ng mga oras na yon.or baka naman guni guni ko lang.
Nasuntok ka naba sa mukha yong asintadong asintado?Malamang hindi pa. wag mo nang pangarapin. Pero ang masasabi ko lang di siya masakit.bakit? magpatuloy sa pagbasa.
Bago mapariwara.
Ito na bakit ako naiiyak?
Ito ang Miracle na di ko makakalimutan sa tanang buhay ko.
After mga 5 minutes pagkawala ng mga tunog na naiwan sa aking pandinig nahimasmasan na ako.Kahit anong bahid ng suntok sa aking mukha ay wala kang makikita.Walang dugo or anumang masakit.Parang wala lang. Nag blush lang ang mukha ko. Ang tigas.
Ng suntukin ako sa mukha ramdam na ramdam ko tumagos ang kanyan kamao sa pisngi ko(ako na ang nag invisible). Malakas lang na hangin ang naramdaman ko bumagsak sa mukha ko totoo ito.Ang naaalala ko lang na physical ay ang di ko maipaliwanag na tunog na bumalot sa aking pandinig.Naiwan yon ng matagal sa akin.
Lahat nagtataka sa jeep at di makapaniwala.How come no bleeding of blood, no black eye and so on.Talagang yon yata ang gusto nilang makita parang nasa ring lang. Ngunit bigo sila.Kay God ka magtanong kasi siya lang ang nakakaalam ng mga bagay bagay na di kayang ipaliwanag.Basta ako masaya at nagpasalamat sa oras na yon.
Hangang makarating ako sa bahay sa harapan ng salamin I tried to play with may face gamit ang aking kamaong nakakuyom dahah dahan ko itong isinusuntok sa aking mukha masakit siya e try niyo.
Noon ko lang mas lalong naintindihan na ang diyos ay may paraang di natin kayang ipaliwanag to save us from anything na makakasakit sa atin maging pisikal ito or emotional.
In short ang poging blogger natuloy sa kanyang date ng gabing iyon sa aming Christmas Banquet na may isang napakagandang mirakulo sa kanyang puso.
Salamat sa Pagkakataong ito dahil sa Day 17 naibahagi ko ang bagay na ito ng ganon ganon na lang.
Thank you Lord ulit. Papanong di kita iibigan ng una sa lahat.Noon pa man may ilang beses mo ng inilayo ako sa anumang makakasakit sa aking damdamin maliit o malaki.
Nandiyan ka lang at di ka nangiiwan.Ganon mo kami kamahal.
16 comments:
nalungkot naman ako sa day 17 mo papeng....
hang huwird naman nung nanuntok sayo sir. ano yun? trip trip nia lang?
teka... Nips ba talaga hilig you o MnM?
Miracles do happen!
Diamond R, thanks for sharing your story. Nakakainspire. Nakakatuwa rin ang paghalintulad mo sa Yellow M&M at sa Red M&M na sumuntok sa 'yo. :)
At naiyak ako sa Yiruma na background ng blog mo while reading the last sentences of your entry.
This is nice. God Bless Sir!
@Khantotantra- akala ko dati lahat ng chocolate candies na tulad ng sa M&M at sa Jack n Jill version NIPs ang tawag magkaiba pala yon. kaya pareho lang silang gusto ko.
grabe naman nun, ang adik lang ng lalake na yun, siguro patay na un, nasagasaan na un.
nakarma na yun hehehe
@Axl Powerhouse Production Inc- nalungkot ka kasi nasuntok ako pero masaya naman kasi di naman ako nasaktan.thanks
@Leo- Yap this is really miracles.Salamat nainspire ka sometimes we have to share stories like this.Marami ako niyan.I'm super greatful talaga.
@akoni-Natuwa naman ako at naapreciate kong talaga ang sinabi mong ito.nasaan na nga kaya siya ngayon at ano kaya ang trip niya ng suntukin niya ako.
@bino- Ito pa thanks dami kong kakampi bigla.
Sana banagas na mukha nya ngaun...
ang tagal ko nang ndi nakakakain ng m&ms hehehe
Sayang close na ang contest pagkaalam kong may contest pala. Grrr!
during my elementary years, nips like ko-swak sa budget, high school m&m na-natuto na kasing humingi ng project kuno pero ala naman talaga pambili lang ng m&m hehehe pero ngaun galaxy na or toblerone-may work na eh hehehe
Favorite ko din to! hahaha! nung bumaba ng barko ung pinsan ko, then ask sya anu gus2 kung pasalubong..M&M's tlaga..pag.uwi nya as in! sobrang daming M&M's..para sa akin lang lahat! hahahaha!
sana sinampal mo ung sumuntok sau :D
ang tigas lang ng mukha mo pre ah. lol.
bakit ka nga ba sinuntok. tsk. adik lang.
Post a Comment