Kahapon sa pangalawang pagkakataon pag pasok ng kasama ko sa trabaho naapakaan niya si Sharma (ang aking pusang brown)kaya sumigaw ito.SAKLOLO ACRE!
Nag one- on- one talk kami at pinaalalahan ang Bengali kong assistant na di ako matutuwa pag nasaktan ang alaga kong pusa or namatay dahil di siya nagiingat. Mas mabuti ng ngayon pa lang magkaintindihan na bago mahuli ang lahat.Nakatingin lang siya sa akin dahil seryoso ako sa sinasabi ko.
Si Borj,Einstein, Rob,Sharma , Samsam at si Acre |
Di naman obvious na mahilig ako sa pusa at aso kasi yon ang madalas ninyong nakikita sa blog ko. Sila lang sa mundong ito ang pag minahal mo ibabalik nila ito ng sobra sobra sayo at kahit anong mangyari di ka nila sasaktan di magrereklamo di ka mumurahin ng nakatalikod naghihintay lang sila sayo kung ano ang ibibigay mo sa kanila.
Si Sharma bago lang siya pero ang sweet niya |
27 comments:
ayy.. cute talaga ni sharma. :)
masaya talaga ang buhay pag mayroon ka'ng pet. lalo na pag dog hehehe
mas trip ko yung mga aso. pero nag alaga din kami dati ng pusa.
kung hindi lang ako hikain, gusto ko din ng pet cat
hilig mo talaga sa aso.. ako rin gusto ko rin ng aso.. kaso... di pwede sa amin eh... ehehehhe....
yun tanong mo kung yun ba ang call center.. UU.. yun na yun... ehehhe... ganun na nga... ehehhehe..
weee.. sa lahat talaga ng may alagang pusa ikaw lang chong ang proud sa isang alley cat.. minsan kasi dinededma sila sa picturan at binibida lang yung magaganda. hehehe
i love cats too! :)
mukhang mahal na mahal mo talaga ang mga alaga mong pusa...
tama ka jan,at siguradong mamahalin ka din ng mga yan..
aliw talaga mag alaga na hayop...
kumusta?be safe always...
Cute ng aso
empi
how sweet! buti pa ang mga koting mai nagmamahal ng sobra2x sa kanila. Ako kya? kailan ako magiging koting sa iba? hahahah! ewness! anyway! daan na naman ako..^_^
buti nakakapag-pet kau jan sa middle east?!
namiss ko tuloy ang aso ko :D
Awts. Parang may halong bitterness ang post na ito. Jowk.
@Mayen - cute nga nila at ang lambot ng katawan nila.nakakatuwa sila imagine a tiger or lion pero subrang mabait at lambing.
@Bino -Yap. hinihigop nila ang anumang negatibo nararamdaman mo at isinasama ka a mundo nilang mapayapa.
they gift to human kind and special at it is.
@Bulakbolero.sg- yong loyalty na meron ang aso ibang level.pero pag wala kang sariling teritoryo mahirap ito dahil masayado silang malaki at magalaw. Kaya pusa lang ang pwedi sa aking kalagayan. I love them both.
@Khantotantra- Nabasa ko dati na ang mga batang lumaking expose sa mga pet
matibay ang kanilang immune system lalo na sa mga hika at allergy.Nagpapasalamat ako sa aking magulang na hinayaan kamin mag alaga ng mga pets noong mga bata pa kami.Yon ang isang purpose nila sa mundong ito na di alam ng lahat.
@Musingan- Natutuwa akong pinagmamasdan sila at inaalagaan. may kakaibang pakiramdam na di ko maipaliwanag. Yon ang problema pag wala kang lugar kasi we need to be sensitive sa iba. nasa work ko siya di ko sila madala sa room.
ganyan pala ang call center.
@Kikomaxxx-Kung meron lang akong isang private na lugar na walang pumapatay ng pusa pupulutin ko lahat ng pusang gala na walang matirhan.kaya lang di pwedi dito.
@Leo- nice. at si nimmy alam kong love din ang mga pusa.
@Jay_rulez- Thanks Jay. Maayo naman.They make me excited pumasok kahit Off pinupuntahan ko sila sa work para madalhan ng food.
Looking forward na lumaki na sila at magkaaanak
@Empi- Thanks Empi.
@Mai Yang-Aiwa. sayo pa magkakandarapang pumila para magmahal.
@Mr.Chan- Oo nga nasa warehouse kasi ako. pag nasita.may isasagot na ako.
sino ang hahabol sa mga daga. Kasi kahit isa ng magalaga ako ng pusa dito wala ng makalapit na daga sa aming lugar. takot sa amoy ng pusa.
@The Gasoline Dude - Dahil merong akong binabago sa aking buhay ang ilagay ang iwasan ang magalit sa kahit na sino at gamitin ang pagkakataong ito para makabuo ng mas malalim ng relasyon sa tao. o makabuluhang aral.Natuwa naman ako sayo dahil sa simpling pagbuhos ko ng salita dito napansin mong meron hidden na galit doon. Yap nagalit talaga ako.Pero nagawa ko siyang kausapin ng mahinahon at naiparating ng maayos at malinaw ang mga dapat sabihin at maunawaan. Salamat sa pagpuna it helps to be more careful kahit sa mga ganitong bagay.
ay sana pala nasave ko yung pics ng paborito kong aso na nakaupload sa friendster. namiss ko tuloy sya. buti kapa may pics ng mga alaga mo. cute ng mga cats mo.
ang cute ni sharma.. i miss this place..:(
Pero nangangalmot din yung pusa eh... ^_^
Post a Comment