Friday, April 29, 2011

7 facts about me: Relative ko C.Edward

Utang ko kay Mayen.

at kasabay sa pag lakas ng loob to grab this award ang pabibigay ng 7 facts about your self.Pero makwento ito. just pick up what you think is facts. and ignore what is not.

Para lang sa mga close ko na kung di naman skip read ka na lang at basahin ang no.7 seven proof that may lahi akong tulad ni Edward Cullens.

Seven Facts about me.

1.CERTIFIED FD. technologist po ang inyong abang lingkod("luto-luto lang yan" sabi ng kapitbahay namin. Ang sabi naman ng kapatid ko ng malaman niya ang kinuha ko "ang bantot naman ng Kurso mo, ano ba yan?". Nag college pa daw ako.Bakit daw di Doctor or Engineer.

Fd Servesafe certified by the international Restaurant association- A Canada base Org. Kaya safe ka if you hire me.wala lang nabangit ko lang. Yong Kheneda kasi maganda pakingan at with a slang sound.Baka mag iba ang tingin mo sa Kurso ko di tulad ng iba diyan mabantot daw.Kung alam niyo lang ang mga nagagawa namin.

2. IN FAIRNESS may mga pinayamang ordinaryong businessman na ako mga dati kong mga naging amo.kung di lang masamang bangitin ang kanilang mga pangalan dito. Yong isa sound like musingan yes,ka sound name mo Al. Ka badmenton lang sangang-dikit pero ng natabunan ng pera nag kaamnesiya na. di niya na ako kilala ngayon. pero yong mga prudokto niyang nasa local and international market na ngayon ako ang gumawa kumikita pa at ang mga pruduktong galing sa aking mga talento pumapalo pa sa mga resto niya. Woh. thats enough, ang yabang mo na mahirap ng mahumble. Pero ang totoo i have all the original formula in my pocket of what you have.kung sino ang interesado just let mo know wohh.

2.NOONG KABATAAN ko wala akong ibang ginusto kundi mahawakan ang lahat ng posisyong pwede para sa aking line of work,RND,QA,Prodn,Purch,Warehouse, at gustong- gusto ko yong may nakadikit ng Mgr sa mga title na yan and ako dapat ang head. Ewan ko ba kong bakit ganon kahit di mo na ako sahuran basta ibigay mo sa akin ang posisyong yan.I'm just fine. kaya sa mga harmless na kahilingan binibigay nila.Pagkakasawaan mo rin pala ito at in the end pera lang ang mas mahalaga sayo kunyari ka pa.May kokontra?

3.NAG PAKA OFW SA IBANG BANSA dahil sa bad experience sa local jobs sa isang business partner na tawagin nating "Divination Experience" after na ito ng "Musingan experience" meron pang mga law suit yan at syempre ako ang panalo.
(kailangan magpakalayo layo ng makalimot) ka churchmate pa naman ng masetup na ang lahat iba na ang mga nangyari,ang pera nga naman root of all evils talaga. yes it happened in the world.Pag ikaw ang walang pera at talent lang ang alam mo.(oo meron ako niyan promise).Pero wag magdamdam mas magandang ikaw ang nagbigay. Maging maingat in dealing with this kind of people. Marami kasi sila diyan pakalat kalat lang.

4.GM (GAWING MADALI) next to owner ang aking ranking power(saan ka pa)Yan una kong work dito sa UAE Sa Sharja at Food industry ito(tamang linya).Gastos ng amo ko lahat ang pagparito ko ni isang kusing wala akong ginastos.kung di ko magugustuhan pwede akong lumipat ng ibang company na gugustuhin ko na walang babayaran sa mga ginastus nya.We are friends again.
Military tactic ang style ni amo kasi dating sundalo si boss yong tipong kalampag niya lang sa gate pag pasok niya ang mga workers parang sinisilaban na ang mga puwet sa takot- in short di ko siya nagustuhan ang tingin ko sa kanya hindi yong business niya ang kailangan ng tulong kundi mismong siya.(pag may time ako kwento ko na lang mga pangyayari tungkol dito kasi masaya ang bahaging ito ng aking buhay )

5.PARA MADALING makawala sa warzone- lumapit ako sa Subway Para maging sandwich Architect sa Abudhabi natangap naman kaagad kayat wala ng magagawa si Major general.Kundi ang hayaan akong makalaya pagkataos ng anim na buwan.Take note ang 6 na buwan na yan mga tatlong beses akong nagpabalik balik sa Kish Island to change visa. Kasi nga ayokong magparesidence sa kanya( Kwento ko rin ang mga kwento ng exit pag may time ako sa mga susunod na post)

5.DITO KO NALAMAN na ang food industry sa UAE is not a lucrative career compares to construction kung kayat I decide to change line na sana or go somewhere else.Di rin ako nag pa residence visa sa Subway pero this time ako ang nagbayad sa ginastos niya dahil ayaw sa aking ibalik ang mga papers ko, Yong IRAQ dito pumasok.At dito nag umpisa ang Construction line of work ko.Ngayon either gumawa ako ng food business empire or maging construction magnate in the near future if kung di magbago ang aking isip kasi gusto kong pasukin ang showbis o kaya porn business.madali kasi ang pera. Yon kasi ang hanap lang naman ng tao.Haizzz.

6.DI KAYO MANINIWALA. Dahil nauso ang twilight at si... ano ba ang pangalan noon. (kinuha yon book ng twilight para tingnan ang pangalan ng bidang lalaki yong vampire.--yon si EDWARD kasi nakalimutan ko na.
tulad niya -

I was born long time ago pero dahil may lahing vampire yata ako or pusa kaya di ako tumatanda physically like Edward.people might think im in the mid 20's mga hula-hula lang nila. Oo that phenomena is existing at least ngayon niyo nalaman.I have a pamangkin age 28 noong umuwi ako sabi noong katrabaho niyang babae sa kanya ng makita ako kapatid mo.alam niyang may mas bata siyang kapatid dahil dalawa lang sila.See.this facts.I look 28 younger.Ganon talaga ang mga payat.

ang arte ko naman di pa sabihin ang edad. bakit ba? you have to be mysterious sometimes. diba nga I dont' celebrate birthdays kaya wala ding kinalaman ang edad sa buhay ko.


7.PROOF that I have inner power like Edward Cullens:
1.Nasuntok na ako sa face pero tumagos lang ang kanyang kamao sa mukha ko.(watch out for this story coming soon.)1996
2.Naipit na ng dambwaiter and aking paa.2005
4.nabanga ang sasakyan 2010
5.lumipad ang buong bubungan ng opisina ng dahil sa sands storm 2007
6.Tumalon sa balong may baga.(naekwento ka na ito)
7.natabunan ng narang aparador.(dahil sa kakulitan noong bata pa)

Napansin mo pag patungkol sayo ang kwento ang ganagana mo magkwento. Ang worry ko lang nakakairita na. kaya.

that's enough.

Photobucket

Thursday, April 28, 2011

Pinagkaabalahan

Una. Sana maintindihan ko ang sinasabi ng mga pusa kahit saan ako pumunta. Kasi I love cats. Kahapon, habang naglalakad ako sa Abu dhabi City sa likod ng Crown Plaza hotel nakita ko itong kalyeng pusang ito at sabay lumapit sa akin at humalik sa paa ko(nakita niya ang nawawala niyang ama).talagang humiga siya at pinapahid niya ang mukha niya sa aking sapatos matagal yon. Amoy pusa na kaya ako or may mensahe lang siyang di ko lang maintindihan. Nakuha niya ang puso ko instantly.

Sa camp din meron din pusang lalag madalas nadoon sa may pintuan namin.Nakunan ko na ito ng video ibabahagi ko sa inyo some other time. Ganon din ang ginagawa niya sa akin pag nakikita niya ako pinapahid niya ang mukha niya sa paa ko habang tumitihaya at gumugulong gulong. Ngayon ko lang napansin ang ugali nilang ito pero natutuwa ako sa ginagawa nila.Napagisip-isip ko.. Di kaya Pusa ako noon na naging tao.

Pero Hari ng mga Pusa(lufeet lang)

Nakuha ko na ang cheki ko for my personal insurance reinbursement kahapon kaya ako pumunta ng City para maedoposit ito sa aking banko.Ang yaman-yaman ko na ang daming zero.Salamat kay Mr. Ani of the Insurance comp. Madami na itong sisiw at biik para sa aking multi million business.At makakain na ako ng tatlong beses sa isang araw.Thanks God.
Alam niyo naman ang kwento nito diba. Pero ang masasabi ko lang maging mahinahon lang at medyo maging makulit makukuha mo rin para sayo.May mga naging problema along the way pero pinakita naman nilang pweding itama ang lahat. Good Job.
Kaya nag iba ang tingin ko sa mga paligid ko kahapon.
Tulad nito
Ang ganda pala ng halamang ito(talahib) Di ko kasi ito pansin sa aming probinsiya tumutubo lang sila sa parang.Pero dito ornamental plants sila.Parang balahibo lang ng mga pusa
madalas kong palamapasin ito pero kahapon iba ang tingin ko dito lucky me to be here.
Pinaka malaking mosque dito sa UAE pangatlo yata sa buong mundo.lagi ko lang dinadaanan
trying hard akong kunan ito sa loob ng sasakyan. Isa sa mga bridge dito sa Mussafa
Isa lang ang naalala ko dito. ang bagong blog ni Leah.
Gayan ang wordpress icon sa post niya.click here Di ko alam ang pangalan ng building na yan pero bilog siya astig diba?
Ang aking Paa-kinakatam
pagkatapos steelbrushing
Highlight ng araw ko kahapon.Pumunta ako sa isang Filipino Salon para magpalipas ng oras sa init ng araw.Gaya-gaya lang kung ano ang nakikita kong pinapagawa ng iba sabi ko gusto ko rin yan. Syempre tanong kaagad kong magkano baka mamaya ginto magulat ako.Kahit ba ang yaman yaman ko ngayon.
Dahil noong isang araw lang nakapag pagupit na ako nahiya naman akong magpagupit ulit kaya sabi ko magpapavacuum na lang ako ng mukha. Vacuum ang tawag ko kasi may ginamit siyang parang vacuum talaga ang sakit at Pagkatapos pinaso paso ng iwan ko ang tawag doon parang glass ng may ilaw sa loob. Hahiya akong sabihin na sensitive ang skin ko(oo saka ko na lang ipapaliwanag kung bakit) kasi pag katapos humapdi. Next time ayaw ko na ito.akala ko naman hihilamusan lang ako at lilinisin ang mukha ko.Ano ba naman yong ginawa ni Ate natakot akong bigla.Gusto ko lang naman marelax.
Next ,foot spa daw pero steel grinding ng ang description ko sa ginawa niya. meron siyang gamit na parang parang katam(wood planner kasi marami ako noon sa store ko.yong pang pakinis ng kahoy.
Ito ang di ko kinaya. Halos maihi ako sa kiliti ng upmpisahan niya nag mag steel brush ng aking talampakan.Oh my God. Anong nangyari sa paa ko at nag rereact ng ganon.Di ako na relax kasi sumakit ang buo kong katawan sa kakapigil dito.tinakpan ko na lang aking ulo ng towel.Tawa ng tawa si ate sa akin.
Mali ang ineexpect ko sa Foot spa. Ang alam ko yong Reflexology na nakaka relax.Hindi yong parang tinatalupan ang paa ko.
That's all folks para lang makapag update.
Umuwi akong happy feet. And take note may Diamond R signature.wohh... Thanks you for the link Sey



Photobucket

Monday, April 25, 2011

Madramang Umaga.

Namamangha ako at namimilog ang aking mga mata sa napakagandang luntiang paligid malimlim ang umaga, malamig ang simoy ng hangin. Mamasa-masa ang mga dahon at damo.Tahimik ang paligid maliban sa huni ng ibon at lagaslas ng tubig sa batis sa magkabilang pangpang.

Ubod ng payapang nakahiga sa damuhan.Nakangiting pinagmamasdan ang sikat ng araw sa paligid na tumatagos sa mga sanga at mayayabong na dahon ng punog kahoy at mga saging. Ang mga paru -parung ligaw animoy mga anghel sa langit ay tuwang tuwang sinusundan ang liwanag papaakyat,paparoon 't paparito.Tulad ko ang dampi ng liwanag ay nakakahalina di masakit sa aking balat at hindi ito nakakasilaw sa aking mga mata.

"Donnnnn ?.Nono...?" pummailanlang sa kawalan, ang boses ni mamang - endearment na tawag niya sa akin tinatawag ako.


Nagising akong naghahabol ng hininga
Bago ko pa man makita si mamang sa aking panaginip.
Parang totoong totoo dinig na dinig ko ang boses niya.

Nalungkot ako na miss ko bigla si mamang. Nagpray na lang ako at di na ako nakatulog ulit pag ganiton nalalapit ka ng magbakasyon kung ano ano na ang naiisip mo.

Sana mabasa ito ng aking amo na gustong e move ang aking bakasyon ng July na dapat ngayong May na.Hindi lang siya ang nangangailangan ng aking presensiya meron pang iba.Kung di niya makaya ang isang buwan mawala ako sa kanyang paningin ganon din ang iba.Ang lagay sosoluhin niya ako.( drama lang sos -feeling important).

napansin niyo . I love morning light filtering from the trees



I just love looking at them kasi yan ang alam kong sikat ng araw sa probinsiya namin. Di tulad dito sa AbuDhabi nakakasunog ng balat at masakit sa mata.


Sa kaalaman ng lahat sa aming probinsiya di ka makakapag patuyo ng damit ng isang bilaran lang.Uso doon ang tagiptip sa damit. tinutubuan ng molds ang mga damit bago ito matuyo kaya sayang ang mga branded mong damit kung wala kang drier. Ang mga libro inaamag at ang picture natutunaw..
ang sikat ng araw laging makulimlim kahit di umuulan.
Tulad nito alas 10 na ng umaga yan.



Salamat sa pag tiyagang pagbasa.
Photobucket

Saturday, April 23, 2011

Good Friday-" I want to know what love is"

Bulakbolero ako kahapon.Nasa Abu dhabi City .Dala ko ang librong ipapahiram ko kay Laser kapalit ng Librong pinahiram niya sa akin eh pagtawag ko pumipikit na para matulog galing din sa lakwatsa. Kaya next time na lang ulit.

Kaya ako nasa AbuDhabi dahil kagabi napanood ko for the first time ang music videong ito ni Maiah Carey na" I want to know what love is" ikaw Iya_khin napanood mo na ito? Kong napanoond mo na ito good pero kung hindi pa panoorin mo kasi di lang sa maganda ang kanta pero ang ganda ng message at pagkakagawa ng video.

Suggestion ko lang if you want to know what love is? Ang una mong gawin mahalin mo muna ang sarili mo.Love yourself more than anyone else ever can. Dahil kong hindi mahihirapan kang gawin ito or maiintindihan.Tanungin mo pa si mam Sey at mam lhuloy o kaya si Jheng pot

Kung kaya lulubos -lubusin ko na ang pagpapaligaya sa aking sarili.Bibilhan ko si Diamond R ng Bagong Rubber shoes. May mga suggestion si Laser na shoes store na pinuntahan ko naman. Kaya lang di ko gusto ang kanilang mga design ng shoes pang matanda. Sina Nike, Addidas at Reebok pa rin ang pinagpiliian ko. (cool at swabe) at kay Reebok ako nagkasya.tulad ni Al Pasumangil gusto ko ang mga Branded. Alam mo na kung bakit dagdag pogi points din yon at feel mo talaga na mahal mo ang iyong sarili dahil di mo tinatawaran.

Request niya e kodakan talaga ang shoes kaya ito na yon. syempre isinuot ko na kaagad. Para sulit.

Magpapakuha sana ako ng picture doon sa pinay na sales lady na kamukha ni leah beside the maniquin mag ala maniquin pero nahiya ako. Magandang idea sana sa blog yon kulang pa sa kapal Moks. Pero next time lalakasan ko ang loob ko na tulad ni Leonrap at Jay rulez.

kaya sarili ko na lang ang pinagtabi ko sa tulong ni Photoshop.
focus on the shoes


Hiraman books mode

Para sa tanong ni Mayen kunti na lang 6 ft na ako ikaw na ang magimagine ng 6ft kasi sa pic di mo maiimagine yan..At tulad ng reaksiyon ni kamila sa photo ko with some Pakistani workers.Madalas ko din yan naririnig sa iba "ay ang tangkad mo pala" opo, may gulat factor. Di kasi ako obvious ang tangkad ko maliban na lang kung magtatabi tayo or may kasama sa pic.May mga ganon talaga.At sayo Al bibigyan kita ng Isang pulgada lang naman ang hinihingi mo pag nagkita tayo.

Ito ang video titigan niya ang mata ng the kid may naramdaman ka ba sa kislap ng mga mata niya.pwes ako meron parang nakita niyo na ang mata ko. wohhh. di ba mammoy_razz.

Akoni na ang magulo at walang magawa sa buhay at least napagsama sama ko ang gusto kong mangyari. Sa isang post. Pasinsiya na po sa mga nanahimik isinali sa kalokohan.

Friday, April 22, 2011

Sweet Nothing on Good Thursday





While reading Abu Dhabi Week over a cup of Chocolate Mint and Bubble gum ice cream @ MayzadMall habang pumapatay ng oras.Dito na rin kasi ako kakain ng dinner ang aga pa.Ngayon ko lang nalaman na ice cream pala ang mga cakes sa counter.
Come on. A happy Man deserves a happy treat.
Have a wonderful and safe weekend to all.Happy good Friday.bloggers.

Wednesday, April 20, 2011

Priceless Moments

Nagpapalit na ng panahon dito sa UAE .Dalawa lang ang mararanasan mo Mag ka sandstorm - ang mga buhangin ay nagsasayaw sa kalsada, swirling in circle up and down. O kaya naman umagang nababalot ang buong paligid ng white smoke dahil sa fogs.

Gumagapang ang sasakyan namin ngayong umaga dahi zero visibility. Senyales lang ito na ang taginit ay nasa kanto lang.

one foggy morning in mussafa kanina lang
mas enjoy ko ang mga ganito pero sana ice falling naman parang sa UK
kodakan with Pakistani foggy morning background

Tulad ng pagpalit ng panahon may nakasanayan akong trip lang na pagpalit ng pangalan at nationalidad ayon sa grupong gusto kong kausapin.

Pag dating ko ng site area inabutan ko ang mga pakistaning ito naguumpukan.Nagtayuan sila ng bigla.Nagulat.

Sabay ngiti ko at bati ng walang kasing tamis.(imagine the the delivery and movements)
" Assalamu alaikum! meranam Aspaq khan, from Pakistan "

Instant changes of faces - gumuhit ang matatamis na ngiti at aaliwalas na mga mukha. Kung anong hiwaga meron ang kahibangan kong ito di ko maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman ko sa mga likod ng ngiting ito.

My name is Aspaq Khan from Pakistan. Spiel ko yan pag pakistani ang naguumpokan.Ramesh pag mga Indians.Meron ding version na para sa Bangladeshi

Ikaw na ang makarining ng isang Indianong kumakanta ng" Bahay kubo" or Pakistaning sumasayaw ng" osto osto" kung di ka matutuwa.

Madalas kong gawin ito sa bakala or sa labas ng camp At asahan mo may magbibigay sa akin ng libring tea o kaya tinapay. at pag nagluto sila ng special na beryani may ipapadala ang mga yan sa aking room. Ang di matawaran mga ngiti ang di ko makaakalimutan sa mukha nila Panandaliang nakakalimutan ang hirap dala ng trabaho sa araw-araw.Pero ngayon nakikihalubilo at nakikiisa.

Priceless moments.
Diba libre lang naman?

Wala lang Masaya lang ako.Umaapaw



Mga Pagpapala

Sun light filtering from the trees.Catch them in morning and claim your blessings.


Bago ako matulog gusto ko lang magiwan ng mga kaganapan sa aking buhay mga pagpapala ng ating panginoon.

Pagpapasalamat lang

1. Dinalaw namin ang isang kaibigan na naoperahan. Salamat sa diyos nalampasan niya ang kalbaryong ito ng buhay niya.
2.I got na email informing me na my insurance claim was approved the check will be ready anytime soon.
3.I got the one month salary(December) na muntik ng di ibinigay sa akin.Pero nadaan sa magandang usapan kanina lang. Ang yaman ko na.Thank you Lord.
4.My Xray follow up sa nafracture kong left humerus ko is doing great and is bridging nabubuo na ulit siya sabi ng Doktor.Success.
5. Nanood kami ng Pelikulang tagalog Sarah-Gerald's latest movie di ko na matandaan ang buong title. pero masaya ang pelikulang ito sa Al Muraya Cinema sa Abudhabi with two of my female friend. Kumain pag katapos at tumuloy na sa ralaxing whole body massage kagabi sabay deretsong tulog na ang sarap.

Isa lang ang masasabi ko sa mga kaganapang ito. Lahat ng bagay ay makukuha mo sa maayos na paraan.Yon lang. Be patient and just pray a lot.

Monday, April 18, 2011

May Miracles akala mo lang Wala


Miracles do happened. If you believe.

Promoted akong Prod.Mgr, mainit init at umuusok pa from QA/FoodTech sa commissary ng mga Dimsum sa Manila isang kilalang Dimsum chain.
Pinangarap ko yon at laging ipinapanalangin. Ngayon ipinagkaloob na ng buong maykapal.Salamat.

Una kong sabak magisa night shift. Sa kalagitnaang ng production line. Umakyat sa opisina ang steamer namin na nagaalala para sabihin sa akin na may problema ang mga nakasalang na dimsum di sila kumakapit - ibig sabihin may prolema sa quality ng meat ng buong batch. Para akong nabingi sa balitang ito. Natatarantang pumunta sa steaming area.Kitang kita ko ang mga siomai na humihiwalay sa wrapper nito.Nagdilim bigla ang paningin ko sa takot. ilang tray nito ang isa isa kong itinaob at hinalungkot. Hindi ito pweding mangyari.whole production for my shift ganito ang kalalabasan. Paano ko ito ipapaliwanag. Bumagsak ang mundo ko sa mga sandaling iyon.Wala na akong naririnig sa paligid or nakikita.Ang naiisip ko lang ay ang galit ng aming boss at kung ano ang sasabihin nila sa akin.

Umakyat ako sa office at naglock sa banyo ng mga ilang minuto sa di ko maipaliwanag na dahilan basta lumuhod nagdasal umiiyak na lang ako sa diyos ng taimtim may takot.Ganito ba kabigat ang responsabilidad ko. Kung dati taga sita lang ng mga problema at kailangan ayusin ngayon ito na.

pagkaraan ng ilang minuto bumaba ulit ako. lumuwag na ang aking pakiramdam.nawala na parang pagkabingi ko. Nakikita ko ang ilang mga molders na mga babae sa packing area na anguusap usap." Ok naman pala ang mga dimsum , tingnan niyo o ayos naman pala."

HIndi ako makapaniwala kong papaano nangyari ang mga ito parang panaginip lang ang mga naganap ilang minuto lang ang nakakalipas. Kung ano mang himala ito di na ako nagtanong.

Umakyat ulit ako sa office pumasok ng comfort room at muling nagdasal ng pasasalamat.

Iilan lang ang nakakaalam nito,few of my friends not even the company knows this story. This is my first ever miracle na nasaksihan na kaya palang magbago ang kahit na anong pangyayari sa buhay mo kong taimtim kang mananalangin.


Saturday, April 16, 2011

Consultation Experience.

naka shade kasi lumuluha ang aking mata.




" See your Troubles as Blessings"

Sa waiting area ng "patient with appointment" ng Hospital napansin ko lang lahat ng Muslim sa tuwing pumapasok, matanda bata titigil muna at sabay babati ng Assalamu alaikum ng ubod ng tamis galing talaga sa puso. Ang lahat naman sasagot ng alaikumussalam. Tapos magkakanya-kanya na ulit.

Humahanga ako magandang asal na ito dito. Ito ang nagpangiti sa akin sa masalimoot na araw na ito.


Nag breakfast,nakatulog, nagmeryenda at nag lunch na umabot ng halos mahigit 5 oras sa paghihintay Sa nakalocked na clinic.Tapos magugulat lang n aibang doktor ang makakaharap ko. Ano ang gagawain niya sa akin? makikipag kwentuhan or sasayawan ko(yong audition pa rin sa PBB -ni Jengpot ang nasa isip ko)

Very accomodating naman si Dok.Binuksan ang computer pero walang lumabas ng history or record sa file number ko so nagtitigan na lang kami. Ang ibig sabihin nito lahat ng record noong 2010 burado na sa system nila or na virus.
Kaya balik hintay ulit.Para kunin ang file( hard copy). Balik ulit ako sa kandungan ng isang Arabic na ka bonding ko na tagal ng aming pagsasama sa waiting area.Sign language ulit siya pag kwekwento.

Sa bandang huli Ang sabi ng kasama n Dok e re re schedule na lang ako ulit sa attending physician ko. E yon naman ang dapat. bakit pa ako pinaghintay Pastelang yawa naman. Magbayad na daw ako sa counter.

WHAT?

Muntik na akong maglumpasay(drama lang). Ang babayaran ko sa perwisyo, paghihintay at walang kwentang kaganapan ay 365 dh.(4,212.7 pesos)(mabigat kasi di naman pinupulot ang Dirhams dito.Budget na halos ni mamang yon ng ilang lingo.

Wala akong magawa kundi ang magbayad. halos ayaw bumitiw sa aking mga palad ang dirhamis.

At binalikan sina Dok pero wala na ang dalawa doon.

Tinanong ko ang isang isang attendant doon ito ang sabi sa akin. Next time daw pag di ko kilala ang doktor na haharap sa akin kaagad agad sabihin na hindi kita kailangan at wag nang pasasalitain. kasi pag may lumabas na salita sa bibig niya sa harapan mo- 365 dh consultation fee na yon.

Umalis na lang akong may dala dalang bagong aral sa buhay.

Kaya wag kayong magtataka kung bakit naging parang audition piece ang mga nangyari ito sa akin kasi kailangan kong pagsumikapang tangapin ito ng maluwag at masaya sa aking puso yon lang ang naisipan kong gawin.

Madrama ang mga naganap. What to do yani? Ganon lang talaga ang buhay kailangang magpatuloy na lamang.

Ano ang troubles doon na blessings.?
Meron akala mo lang wala.

... have patience with everything that remain unsolved in your heart.
umuwi akong natulog at masyang nag blog na lang of this experience na parang naging katuwaan lang. see my previous post PBB audition.

resolve to transform stumbling blocks into stepping stone and vow to turn your wounds into wisdom.

Kaylan man di hahayaan ng diyos na ikaw ay mapariwara sa isang karanasang hindi kinakailangan.


Thursday, April 14, 2011

PBB Audition

Kagagaling ko lang ng Audition.
An tagal kong pinagiisipan at pinaghandaan ito. Di ako makapag move on move on at di na makatulog ng maayos. I just decided na magpasaya ng tao kahit sa pagsali lang tapos.
Kaya nagpaalam ako kahapon sa mga amo ko na magaaudition ako ngayon.THIS IS IT.
Ang PBB(Pinoy Big bloggers) ay ginanap sa HM Auditorium Abu dhabi mula 9 am hangang 4 pm haba ng oras. ang apointment ko: isang 9am sa OMF clinic (Oral/Maxilo/Facial ) at 1pm sa Orthopedic.Para lang ito sa mga survivor ng aksidente kong hindi namanWatch out their audition in your respective city . Kung papaano just click the organizer here & here.Sayang din ang house and lot and the exposure sa blogosphere and the change to be closed sa mga ilang sikat na tao sa mundong ito.Kayong mga walang awa sumali bahala kayo.

Ang daming pumila sa audition ibat ibang lahi.
May libreng tea and dates naman sa mga pumila pantangal ng kaba.
Yan ang nakasalang sa interview


Pang 1076 ako sa Pila.
check the date , the time and the service:" patient with appointment" nasa katinuan po ako. Promise.


Bukod sa ang bango bango ko Ok na sana ang lahat.Parang di nagustuhan ni Kamila Rodrigues ang talent ko.Ang swabe naman ng mga galaw ko, controberyal daw ang ganong sayaw sa panahong ito. Pero si Iya_khin Gonzaga alam kong nagustuhan niya kasi nag ka eyecontact kami sabay kindat ng magandang host.

Pero ganon pa man ang Audition as isang tagumpay.Dahil may napasaya kaya akong tao. Yon ang di mababayaran.

at ang maging bahagi ng mga buhay ng mga bigating blogger na ito.

What do you think? ikaw
sali na kayo para masaya.


Monday, April 11, 2011

Kwentong OFW

Ang mga bakal ng buhay na nagpatatag sa aking paninindigan

Pag visit visa ka Sa UAE alam mo ang ibig sabihin ng work na partime job.

Na experience ko rin yan minsan lang pero hardcore kong matatawag.

Pag nabasa ito ng isang kaibigan ko na taga Cebu segurado iiyak na naman iyon.Iya-khin siya.

Ito ang eksena.

Partime job

Ang gagawin magbubuhat ng mga isang tambak ng mga tubong bakal at ililipat sa isang lugar dahil merong gaganapin na pagdiriwang.Magiiyakan sila ng isang buwan di ko alam ang tawag doon tradisyon ng isang muslim malamang alam ito ng ating kapatid na siAl Pasumangil.

Nang maguumpisa na kami nakatingin sa akin ang kasama ko itago na lang natin sa pangalan Akoni. Nahahabag ang mukha namumula ang mata at biglang tumulo ang luha. na ikinagulat ko.

Naaawa daw siya sa akin. Sanay sa daw siya sa trabahong mabigat pero ako pero ako mukhang hindi.

Ito ang banat ko sa kanya.akala mo lang yan. trabaho ang hanap natin, ang nageenarte magugutom(para tumigil) mas mabigat pa ang kaya kong buhatin sayo 5'4 ka lang at 5'10 1/2 . O ano? Nagbubuhat kaya ako sa gym ng mga bakal at ako pa ang nagbabayad. Dito tayo ang babayaran. Come' on let's have fun ng matapos na. Buong araw naming ginawa yon. Slowly but surely ligid sa kaalaman kahit isa sa aming pamilya sa pinas.

Pero sa totoo lang ang puso ko ang nadudurog habang tinitingnan siya. Naiisip ko pano kung sa kapatid ko ito nangyayari.
Sa puntong ito pasinsiya habang sinusulat ito na naiiyak na ako.... sandali lang ako'y tao lamang. kailangan ko si mommy -razz

Naekwento ko ito ngayon kasi isa siya sa makakasama ko sana sa Iraq pero sa medical palang bumagsak siya dahil sa Hepa.

Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng humaguhul sa isang tabi sa hospital na parang sinukluban ng mundo. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko sa kanya. Naka antabay lang ako nakaabang sa kung ano susunod niyang gagawin baka biglang tumalon. Di ko siya iniwanan. Yong care niya sa akin kahit sa mga salita lang at paluha luha dito ko sinukluin- Dinamayan ko siya sa kabiguang ito.

Ito ang mga bonding ng mga OFW pinoy sa UAE di magkakakilala pero may iisang layunin kahit anong bigat at hirap lalampasan at kakayanin.

Sa nauna kong post click here.. Ngayon ko lang mas lalong naintindihan ang dahilan ng diyos bakit may bagay na di man natin lubos matangap sa kaagad-agad pero sa tamang panahon malalaman mo ito.Siya ang humikayat sa akin sa Iraq, mas determinado siya tungkol dito pero una siyang pinigilan.Pumapangalawa lang ako.

Sa ngayon kung maligaw siyang magbasa ng blog ko . Miss you bro.

Kung di man niya nakuha ang Iraq Pinalitan naman ito ng diyos ng isang asawang si Kamila at mga anak na sina Rap, Mayen, Jhengot at Sey. May hihigit pa ba sa mga kayamanang yan?

note: Ang mga pangalan ay sandyang pinalitan ng mga ng sikat na bloggers sa panahong ito.

Sunday, April 10, 2011

Ang kwento ng Kargador


Abudhabi 2006.

Limang taon na ang nakakaraan (buti na lang may picture ako kahit isa.) Nang dumating sa akin ang trabahong kargador ng companyang pinapasukan ko sa kasalukuyan.

May malaking kaguluhan noon time na yon sa Iraq.KUng may passport kang hawak yan ang ibig sabihin ng "not valid to Iraq" na naka stamped doon.Nag kataong ang passport ko noon ay walang bahid na ganyan kaya pwedi ako. Maraming Kabayan ang mag gustong patulan nag 3000 dolyares na sahod pero kakambal nito ang pangambang may panganib na nakaabang. Nagpaalam na ako na sa aking kapatid na paalis na ako ng Iraq huwag na lang ikwento kina mama sekreto na lang namin dahil baka ikamatay nito ang gagawin ko ito.Dahil madaming masamang balita sa TV napapanood nila tungkol sa kaguluhan doon.Ang rason ko lahat naman ng tao mamatay mabuti ng mamatay na kumikita di naman maguguton ang pamilya.

Ilang araw lang bago ang flight namin isang kakilala ang biglang nag offer sa akin na kung gusto ko ng trabaho dito sa Abudhabi umpisa na kaagad dahil kailangan niya ng kapalit.

Yan ang kwento bakit ako naging kargador sa aming companya kapalit ng 3000 dolyares sa gitna ng kaguluhan at patayan sa Iraq.Ang Panginoon na ang pumigil sa kahibangan ko.

Nagpaubaya na lang ako sa kagustuhan niya.

Dito nagumpisa ang aking career na kargador na dati ay laro ko lang noong bata pa ako kasabay nito ang paglimot sa aking sarili mga kaartehan sa katawan at kayabangan. Ang mahalaga kumikita ng malinis,payak,mapayapa at ligtas.

Limang taon na ang nakakaraan.
Nandito pa rin ako.
Bakit?
Dahil masaya ako sa anumang binigay ng diyos sa akin.Natutunan kong pahalagahan ang kahit anong maliit na bagay na meron ako dahil ang iba ay wala.

Saturday, April 9, 2011

My Dogs.

May Dahilan kong bakit malambing at loyal ang aso sa taong nagaalaga sa kanila.Bakit ba di ito alam ng iba?

Ito nga pala si Samsam- Ang unang aso ko dito UAE.Di ko alam ang lahi nya pero para siyang askal pero tawag ko sa kanya arabian dog.Nagulat na lang ako isang umaga may tutang lumabas sa silong ng carvan ko doon pala siyaIpinanganak ng isang askal(meron din niyan dito sa UAE).Di na bumalik ang nanay niya after two weeks kaya ako na ang nagpatuloy sa pagaalaga at pagpapadidi sa kanya.
Kapatid niyang si Ronron
walo sila ibinigay ko yong iba sa pet shop para maibenta sa iba. Si Ronron lang ang iniwan ko para may kalaro si Samsam
Pag sobrang attached sayo ang aso mga tingin mo pa lang nagkakaintindihan na kayo.Ganon kami ni Samsam.

Sabi ba naman ng isang kabayan sa akin ang taba naman malaman, masarap ipulutan.
Nagdilim bigla ang paningin ko sa kanya. Bigla kong nakalimutan na tao siya at aso ang alaga ko.
Wala namang ganyanan pare.

Sa ngayon pagkatapos manakaw si Einstein ang pangalawa kong dog di na muna ako nag aalaga ng aso.
Masakit pa.Kahit kahapon umaasa pa rin akong makita siya sa mga pet shop.

Thursday, April 7, 2011

Open your Heart


ang nanahimik ng 26K dh. chain link fence sa aking open yard- gustong sirain


Na pwedi namang galawin ang temporaray G.I fence na ito.(photo after namin maiurong)





Pumunta akong Dubai kahapon. Di ko makalimutan ang isang malaking sign board na kumuha ng aking atensiyon along Sheik Zayed road.


"Open your heart and you will live more"


at bigla kong naalala ang isang eksena sa trabaho sa aking neighbour hood department- ang Workshop.


Madalas sa trabaho natin di maiwasang maging paranoid sa mga paulit-ulit na problemang hatid ng isang tao na nabinibigyan natin ng ibang kulay ang di naman dapat.


Try to focus sa kong ano ang problema lang at makinig ng mahinahon. Kung nasa kaiinitan siya ng kanyang emosyon iparamdam na tama ang paglapit niya sayo dahil bahagi ka ng solusyon.


Nitong nakaraan araw lumapit sa akin ang punong abala ng aming Workshop.

Para sabihin niya na kailangan namin iurong ang chain link fence ng aking teritoryo - ang Warehouse open yard

Dahil panakot ng supplier ng diesel hirap siya mag maniobra ng kanyang tanker kung kayat di na siya mag dedeliver kung di ito maiayos. Fine , problema nga ito.


Dahil pinagsisikapang kong maging isang mabuting tao(kakahiya naman tumatanda na). Di ko na pinakawalan ang aking mga linyang "are you crazy 26,000 dh sisirain mo lang? leave me alone and solved your own problem!"(madalas niyang bukang bibig yan gagayahin ko sana) pero hindi naging accomodating ako. I walked with him; inspected the area tried to help out, talked to some people- and we did it wala pang isang oras. Tapos.


Wag maging reactive. Isipin mo na lang na pag may lumapit sayong tao, anghel ang tingin niyan sayo.


Applicable yan sa lahat.


Just open your heart

and live more.

Tuesday, April 5, 2011

Eksenang Probinsiya

Kalabaw at Ang pakapang


Na miss ko lang ang mga dating simpling buhay nga ganito. Buti na lang nakita ko pa rin ito noong last kong uwi sa aming probinsiya noong 2009 habang naghihintay ng trysikel papuntang bayan.

top commentators

Get this widget

Yiruma